P O T R I C K ALA UNA na ng madaling araw pero heto pa rin ako, hindi makatulog at panay ang sulyap sa bubong ng kubong aming tinutuluyan mula pa kagabi. Mabuti nalang at holiday bukas, walang pasok. Kaya okay lang na mapuyat at magpalipas ng gabi rito sa lugar nila Andrew. After all, it was a fun fiesta. Naging okay naman ang takbo ng lahat kahapon, except for one thing. Naisip kong lumabas mula sa kwarto kung saan ako nakahiga kanina. Kasama ko sila Jonas at Craig doon. Mga tulog na sila. Hinayaan ako ni Jonas na matulog sa kama since pang-isahan lang talaga ito. Isa pa, hindi rin siya kakasya doon dahil sa laki ng pangangatawan niya. Kaya pareho silang natulog ni Craig sa sahig at naglatag nalang ng banig. Iniwan ko sila doon. Pumunta ako sa maliit na kusina ng kubong ito at nagha

