P O T R I C K MATAPOS gawin ang isang baso ng Hot Chocolate, dinala ko ito doon sa harap ng counter at pinress ang bell. "Hot choco for table number 8!" Nakangiti kong sabi at agad namang lumapit ang server na si Andrew. Ngumiti ito at kinuha na ang tray no'n. Pinanuod ko itong dalhin ang order sa customer. Hindi na gaanong marami ang mga tao rito sa Café ngayon. Sabado ngayon at pa-hapon na rin. Malapit na rin akong mag-out. Lumapit si Dori sa akin dala ang cellphone niya. Nakangiti ito at alam kong may ipapakita sa akin. Sa itsura niya pa lang, mahahalata mo na. I just wish na hindi ang selfie niya ang kanyang ipagyayabang. Madalas kasi niya akong tanungin kung maganda daw pang pang-wallpaper o i-post 'yon sa kanyang social media account. "Pot, tingnan mo 'to!" Agad niyang iminustr

