P O T R I C K NAPA-BALIKWAS ako mula sa pagkakahiga sa aking kama nang marinig ang pagtunog ng aking alarm. 6:30 AM na. Agad akong pumunta sa banyo para maghilamos atsaka tumungo sa kusina para magtimpla ng kape. Saglit lang iyon dahil wala na rin akong masyadong oras para magchill sa ka-dahilanang 7:30 ang simula ng first class ko. After I had my sweet coffee, naligo na ako at nag-ayos ng sarili. Friday na ngayon. And guess what? Bukod sa 'thanks G, it's friday' ngayon, isa pa ring ikinatutuwa ko ay ang half day classes namin today. Kalahating araw lang ang gugugulin ko ngayon sa aming klase tapos pwede ko nang gawin ang gusto ko for the next 4 hours na dapat sana'y afternoon classes namin. Wala pa akong plano but I'm looking forward for my free time mamaya before going to the Café.

