P O T R I C K I SIGHED when I got into our dormitory building. Isa na namang araw ang natapos. A tiring day from classes and from part-timing at the Café. Sa wakas, makakapag-pahinga na rin ako. Tamad na tamad akong naglalakad ngayon papunta sa second floor kung nasaan ang kwarto ko, este namin pala ni Basti. Speaking of the devil, matapos ang pangse-seduce niya sa akin noong isang araw—hindi na iyon na ulit pa. Well, may mga pang-aasar pa rin siya at mga hirit na nakaka-ilang but hanggang doon lang iyon. Hindi na naulit 'yong pangco-corner niya sa akin sa pader. Umiiwas na kasi ako sa pakikipag-asaran ko sa kanya dahil baka maulit pa iyon. Kasi kung mauulit 'yon, baka atakihin na talaga ako sa puso dahil sa kaba at ka-awkward-an ng sitwasyon. I-deny ko man nang ilang ulit, sarili

