P O T R I C K NAKAUWI kami sa dorm mag-a-alas onse na ng gabi. Nang makarating sa kwarto, nagbihis lang ako at naghilamos. Pumunta na rin ako sa kama ko para matulog. Si Basti, dumiretso agad sa kama niya at humiga. 'Di ko alam kung tulog na siya pero matapos kong bumalik mula sa banyo, nakapikit na siya at hindi gumagalaw. Dinedma ko 'yon at inihanda na ang sarili ko sa pagtulog. Ilang minuto pa 'yong lumipas, hindi pa rin ako tuluyang nakakatulog. Medyo naiinis na ako kasi kanina ay antok na antok ako sa byahe tapos ngayon, gising na gising pa rin 'yong diwa ko. Inaantok naman na talaga ako ngayon, eh. Ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit 'di ako tuluyang makatulog. Nag-aalala akong baka magka-eyebags ako bukas dahil sa puyat. Tapos, masyado pang maaga 'yong first class namin b

