P O T R I C K MATAPOS mag-ayos ng buhok, lumabas na ako ng kwaro at dumiretso sa pinaka-labas ng boys dormitory kung saan naghihintay si Jonas. Nang madatnan siya sa labas, nakasuot ito ng maong short na medyo fit sa kanya at isang kulay puting sweatshirt na saktong-sakto lang sa built ng katawan niya. Nakangiti ito nang makita akong dumating. Nakasuot lang din ako ng maong na shorts at kulay gray na sweatshirt. Nagulat nga ako nang makitang pareho kami ng suot. Hindi namin ito pinag-usapan. Mukha tuloy kaming kambal dahil sa parehong outfit namin ngayon. Mabuti nalang at magkaiba kami ng kulay ng sapatos. Pareho kasi kaming naka-topsider, ang kaibahan lang ay black 'yong sa kanya at kulay puti naman 'yong sa'kin. "You look good on that sweatshirt," pagku-compliment nito sa akin kaya

