P O T R I C K I turned off my phone. Naka-ilang pag-vibrate na ito at kahit naka-silent, na-iirita pa rin ako. Alam ko naman kung kanino galing ang mga messages na 'yon at ayokong mabasa ang mga 'yon. "Hindi ba magalit ang Kuya mo kapag nalaman niyang nag-iinom ka na naman, Pareng Pot?" Napatingin ako sa nagsalita. Hawak ni Andrew ang isang bote ng beer na kabu-bukas lang. Ibinigay niya ito sa akin. "Baka kapag nalaman 'to ni Dori, sampalin ako no'n dahil hinayaan kitang uminom ng beer." Pahabol niya pa pero halos hindi ko 'yon pinansin. Kinuha ko 'yong bote at nilagok agad ito. Pangatlong bote ko na 'to ng beer. So far, hindi pa naman ako lasing. But God knows, I want to be drunk. Gustong-gusto kong maglasing ngayong gabi. Baka kahit saglit, makalimutan ko 'yong mga nakita ko kanina.

