P O T R I C K SUMAKAY ako ng bus hanggang makarating ako sa lugar nasaan ang vacation house nila Nick. Tatlong oras rin ang byahe at medyo nakakainip, hindi na ako nagpa-sundo sa kanila kahit nag-insist sila Kuya Peter. Abala lang iyon. Atsaka, kaya ko namang mag-isa nalang bumyahe eh. Nakatulugan ko na yata ang pag-iisip ko kay Basti at sa ex-girlfriend niyang si Yna. Kanina ko pa kasi iniisip kung anong gagawin nilang dalawa. Ang sabi ni Basti, sasamahan niya si Yna. Like, para saan? Anong klaseng pag-sama ang gagawin niya? Kakain ba sila sa labas? Magpapalamig? Sasamahan mag-shopping ang babaeng 'yon para ma-destress? O baka, mag-iinom sila dahil brokenhearted ang Yna na 'yon? Tapos ano? Malalasing sila? And what? Argh! Tumigil ka nga, Potrick! Heto na naman ako't nag-o-overthink

