P O T R I C K NAGPALIPAS ako ng gabi sa ospital kasama si Basti. Umuwi na si Craig kagabi pa at si Andrew naman, pinauna ko na pabalik kanina doon sa vacation house nila Nick. I'm sure, hinihintay rin siya ni Dori doon. Naiwan ako kasama si Basti. Okay naman na daw ang pakiramdam niya at mamaya lang ay pwede na siyang lumabas ng ospital. Bago 'yon, nagpaalam muna ako sa kanya na may pupuntahan lang saglit. Ang dinahilan ko ay bibili lang ako ng pagkain at babalik rin agad. But I did not tell him kung saan muna ako pupunta before that. Sumakay ako ng jeep hanggang marating ang bahay namin. Kakaba-kaba akong bumaba roon at naglakad palapit sa pinto. Hindi ko alam kung para saan ang kaba na 'to. Siguro dala na rin ng emosyong gusto kong ibuhos kay Papa. Pero sinisiguro ko, handa na ak

