⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Humihikab na bumangon si Ella buhat sa pagkakahiga sa kama. Gabi na at ang himbing na ng tulog nina Xander at Rap-Rap sa mga oras na ito. Nakayakap si Rap-Rap kay Xander at nakasiksik sa tagaliran. Pagod na pagod si Rap-Rap buong araw sa pag-swimming. Ngunit sa kabilang banda ay uuwi si Rap-Rap sa kanilang bahay na baon ang hindi malilimutang araw nito sa Isla Monteverde. Malaki ang pasasalamat niya kay Xander dahil dinala sila sa lugar na ito. Ipinaranas ni Xander sa kanilang mag-ina ang hindi lang ang magandang tanawin na nakakabusog sa mga mata kundi maging ang pagtanggap na nakakabusog sa puso. Talagang nakatagpo ng pagmamahal ang kaniyang anak mula sa mga taong nakasalamuha nila ngayong araw. Kung sino-sino na lang nakakabuhat kay Rap-Rap kanina. Hindi pa ito inaaway ng

