⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Pagdating sa cottage nina Xander at Ella ay agad kinuha ni Kathy ang kanilang atensiyon. ""Ella, hali ka rito nang makilala ka nila,"" wika ni Kathy. Magkahawak ang kamay na lumapit sina Xander at Ella doon sa umpukan. Kasama ng kaniyang mga magulang ang kompletong barkada ng mga ito. Mga highschool friends ng ama ni Xander na hanggang ngayon ay matalik na magkaibigan. Buo pa rin ang kanilang samahan kahit nagkaroon na ng sari-sariling pamilya hanggang sa nagkaapo na. ""Hello, everyone!"" bati ni Xander. ""Hay, sa wakas!"" matinis na boses ni Lea. ""Akala ko wala nang planong mag-asawa ang batang ‘to!"" Tawanan agad sila roon sa pagsalita ni Lea. ""So, before we eat I would like to take this moment to introduce my girlfriend. All of you, meet my girlfriend; Rafaela De

