⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Paglapag sa Isla Monteverde ay tila natameme siya sa ganda ng lugar. Sinama niya ang lugar na ito sa kaniyang content dati pero hindi niya akalain na ganito ito kaganda sa personal. Paraiso ang lugar na ito sa paningin niya ang sarap tumakbo sa mala-pulbos na buhangin habang lumalanghap ng sariwang hangin. Maging ang kaniyang anak ay hindi mapigilan o maitago ang pagkamangha sa angking ganda ng lugar. Maya-maya ay unti-unting napawi ang saya sa mukha ni Ella at gustong niyang umatras. Kung makikita sa malayuan ay ang daming tao. ""Xander, ang daming tao."" Panay sabi niya. ""Eh, tao ka rin naman, ah! Ano'ng problema?"" anito. ""Siraulo!"" ismid niya. ""Natural maraming tao kasi nasa resort tayo, Ella. Mas malala pa nga ang tao sa Boracay kaysa rito."" ""Okay lang sana ku

