⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅
Pinunasan ni Ella ang kaniyang pawisang noo. Kakatapos niya lang maglaba at magsampay sa mga oras na ito. Bitbit ang laundry basket ay bumalik siya sa laundry area upang ilagay iyon kung saan niya kinuha kanina. At sa sobrang pagod niya ay pabagsak siyang naupo sandali sa upuang panlaba.
Magpapahinga muna siya saglit bago pumasok sa kaniyang silid upang magpalit ng damit. Nakapaligo na siya kanina ngunit dahil sa kaniyang paglalaba ay nabasa ang kaniyang damit. Mano-mano kasi niyang nilalabhan ang kaniyang mga labahan. May automatic na washing machine naman na ilalagay lang ang mga lalabhan at isasampay na lang. Subalit ay natatakot siyang gamitin iyon at para sa kaniya mas malinis ang paglalaba kapag kusot-kamay.
Nag-isang buwan na si Ella kahapon sa pamamahay ni Xander. Ang bilis ng mga araw at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na tumagal siya ng isang buwan sa bahay na ito. At kung inaakala niyong nagbago ang pakikitungo ni Xander dahil sa nangyari noong unang gabi niya sa bahay na ito, walang nagbago. Mistulang alila siya kung itrato nito at may bahid pa rin ng kademonyuhan ang mga ginagawa nito gabi-gabi sa kaniya.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang gabing nagmamakaawa siyang huwag gamitin dahil dumating ang kaniyang buwanang dalaw. Mistulang walang narinig si Xander ng gabing iyon at hinila siya sa loob ng shower area. Doon sa tapat ng lumalagaslas na tubig ay ginamit siya nito habang nakatayo at sumasabay sa agos ng tubig sa mga binti niya ang kaniyang dugo. Hindi pa roon nagtatapos dahil pati butas ng kaniyang pw*t ay hindi pinalagpas na pasukan ni Xander nang mga sandaling iyon. Talagang naghalo ang kaniyang sipon at luha sa sobrang sakit na naranasan.
Sa kabila ng lahat ay nalagpasan niya ang unang buwan sa bahay na ito. At kahapon, kasabay ng kaniyang pang-isang buwan ay iniabot na rin ni Xander sa kaniya ng personal ang kaniyang isang buwang sahod. Malaking halaga rin iyon lalo pa't dinagdagan ni Xander dahil siya na lahat ang gumagawa ng gawaing-bahay. Hindi na kasi bumalik ang kasambahay ni Xander noong umuwi ito sa pamilya. Tumawag na lang ito na pinagpahinga na ng anak sa pagtatrabaho.
Sa ngayon, hindi na naghahanap si Xander ng katulong sa bahay dahil nagagampanan naman ni Ella ang gawaing-bahay. Tuwing weekend ay nagko-contact ng cleaning services si Xander para mag-general cleaning sa buong bahay. Kaya kung sa paglilinis lang ay hindi naman mabigat para sa kaniya. Pagdating naman sa pagluluto ay magkatuwang sila ni Noelyn sa paghahanda at kung minsan naman ay na-order na lang sila ng pagkain.
""Ang aga mo namang nagising.""
Bahagyang nagulat si Ella nang may magsalita buhat sa kaniyang likuran. Si Noelyn iyon at nakadamit na ng pang-work out nito. Sabado ngayong araw kaya't walang pasok sa opisina ang dalawa.
""Naglaba na ako kasi alam mo na... may lakad ako mamaya,"" tugon niya rito.
""Ay, oo nga pala."" Nasabi ni Noelyn. ""Jogging ako ngayon, wanna join me?""
""Pass na muna..."" tanggi niya. ""Maglilipit na ako ng mga gamit ko para maaga akong makaalis.""
""Ah, sige. See you later, Ella!"" Nagpaalam si Noelyn sa kaniya.
Sinundan lamang ni Ella si Noelyn na paalis ng bahay. Palagi siyang niyayaya at sinasama ni Noelyn lalo na kapag nagwo-work out at naimpluwensiyahan na rin siya ng pagda-diet nito. Kaya naman sa loob ng isang buwan ay malaki ang pinagbago ng kaniyang pangangatawan. Noon ay may katabaan siya ngunit ngayon ay malaki ang na bawas sa kaniyang timbang at nagkaroon ng kurba ang kaniyang katawan.
Palagi rin siyang niyayaya ni Noelyn na gumala sa labas at nililibre. Pati minsan pagpa-pamper ay nililibre siya nito. Hindi nga niya makakalimutan na nagpa-brazillian wax silang dalawa ni Noelyn at hindi niya akalaing pati ang pribadong parte ng katawan ay tatanggalan ng buhok. Noong una ay nahihiya pa siya pero ngayon ay nasanay na.
Maging sa kutis ni Ella ay hindi kataka-taka na malaki ang pinagbago. Maliban kasi sa nagkaroon siya ng skincare routine ay bente kwatro oras siyang babad sa aircon. Madalang lamang din siyang lumabas kaya't halos hindi na madampian ng sikat ng araw ang kaniyang balat.
Akmang pupunta na si Ella sa kaniyang silid upang palitan ang basang damit nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan. Sinilip niya at nakitang ang sasakyan ni Xander iyon sa may gate.
Dali-daling lumabas si Ella upang pagbuksan ng gate ang among dumating.
Kauuwi lang ni Xander sa sandaling ito. Matapos nitong iabot kay Ella ang sahod ay nagpaalam ito sa kanilang dalawa ni Noelyn na aalis ito at hindi uuwi. Isang bagay na ikinatuwa ni Ella dahil sa wakas ay nakapagpahinga ang kaniyang katawan. Hindi siya nakaakyat sa kwarto ni Xander kagabi dahilan upang napaganda ang kaniyang tulog at gising.
""Saan si Noelyn?"" agad na tanong ni Xander sa kaniya nang makalabas ng sasakyan matapos na maiparada iyon.
""Nag-jogging, sir.""
""Sa taas?"" tanong ulit ni Xander. Na sa pagkakaintindi nito ay nasa gym area lang ng bahay si Noelyn.
Umiling si Ella. ""Hindi po, sir. Lumabas po siya.""
""Let me know kapag dumating siya,"" anito at iniwan siya.
Tuloy-tuloy ang hakbang ni Xander patungo sa elevator ng bahay.
""Sir, sandali!"" pigil niya sa amo.
Huminto naman si Xander at nilingon siya.
""Bakit?""
Tumikhim si Ella bago magsalita. ""Natapos ko na po ang mga gagawin ko rito, sir. Maya-maya lang ay aalis na po ako. Nakapagpaalam na po ako sa'yo kahapon, 'di po ba?""
Napahilot sa noo si Xander. Mukhang nakalimutan nitong nagpaalam si Ella kahapon.
""Pwede bang bukas ka na lang umalis?"" Maya-maya ay sabi nito.
""P-Po?""
""Si Noelyn kasi ay pinapauwi ng Ate Alexandra ko sa Rancho Villaruiz ngayon. Ako naman ay ang daming gagawin dito sa opisina ko sa bahay at kung aalis kayong dalawa ay wala akong kasama at mauutusan dito,"" paliwanag ni Xander.
""Pero, sir—""
""Just for today, Ella!"" putol ni Xander sa sasabihin niya. ""Kung wala lang akong importanteng gagawin dito ay aalis din ako at pwedeng i-lock na lang ang buong bahay.""
""Sir..."" halos umingos na siya upang payagan ni Xander.
""Saan ka ba kasi pupunta?"" tanong ni Xander.
Natikom ni Ella ang bibig. Hindi niya maaaring sabihin kay Xander kung saan ang kaniyang punta at kung ano ang gagawin niya. Dahil ang totoo ay pinaluwas niya ng syudad ang kaniyang magulang kasama ang kaniyang anak na si Rap-Rap.
Miss na miss na ni Ella ang kaniyang anak kaya gusto niya itong makita. At imbes na umuwi ay plinano niyang papuntahin na lang ng Maynila ang magulang kasama ang kaniyang anak para maipasyal niya rin ito ngayong unang sahod niya. Liban doon ay mai-treat niya rin ang kaniyang mga magulang at mabilhan ng mga gamit.
Susunduin niya ang mga ito sa terminal ng bus. Paano na lang ito gayong ayaw siyang payagan na umalis ni Xander?
Hindi gamay ng magulang niya ang Maynila at wala rin silang kakilala. Katunayan, nag-book pa siya ng hotel para lang may matulugan at matuluyan ang mga ito. Dalawang araw lang naman sana, bale, ngayong sabado saka linggo lang at pagdating ng lunes ay uuwi na rin ang mga ito sa probinsya.
""Bakit hindi ka makasagot?"" Boses ni Xander na nagpataranta sa kaniya.
""Kasi... kasi... sir..."" paputol-putol niyang sambit.
""Ito na lang... sabihin mo kung saan ka pupunta o ano ang gagawin mo sa dalawang araw na mawawala ka sa bahay na 'to. Baka magawan ko ng paraan para lang hindi ka makaalis ngayong araw at baka matulungan pa kita."" Base sa pananalita ni Xander ay parang nakikiusap ito ng maayos sa kaniya ngayon.
Nag-aalangan na magsabi si Ella ngunit sa huli ay nagawa niya ring sabihin.
""Pinaluwas ko kasi ang magulang ko, sir. Balak ko silang ipasyal para makapag-bonding kami,"" aniya.
Hindi sinabi ni Ella na kasama ang anak niya. Simula't sapol ayaw niyang malaman ni Xander ang tungkol sa kaniyang anak. Baka mamaya ito pa ang pagdiskitahan ni Xander at gawan ng masama bilang ganti sa kaniyang naging kasalanan dito.
""Nakasakay na po ang mga magulang ko sa bus at padating na sa terminal, sir. Susunduin ko sila roon."" Dagdag niya.
""Wala ka bang kamag-anak o kakilala rito na pwede mong mapakiusapan na magsundo?""
""Wala po, sir."" Magalang niyang tugon na may kasamang iling.
""Sigurado ka, Ella?""
""Opo,"" maagap niyang sagot. ""Nag-book pa nga ako ng hotel para may matuluyan sila rito ng dalawang araw, sir. Nagsasabi po ako ng totoo kaya payagan niyo po ako. Saka po hindi ko naman sila pinapunta rito kung hindi kayo pumayag kahapon na pwede akong umalis ngayon.""
Napahinga ng malalim si Xander sabay hilamos ng palad sa mukha.
""Listen,"" ani Xander. ""Since, sinabi mong sa hotel lang kayo tutuloy for two days... why don't you bring them here? I will offer my home for them and they could stay here with you, not only for two days but for a week if you want. How about that, Ella?""
""S-Sir...""
Kung ang mga magulang lang sana niya ay malaking pabor itong sinabi ni Xander, eh, kaso kasama ang anak niya. Paano niya ito maitatago kung sa mismong pamamahay ni Xander pa niya dalhin?
""Ako na rin ang bahala sa pagkain nila rito at iba pang gastos kung 'yan ang inaalala mo. And don't worry, hindi naman ako mag-iingay tungkol sa nangyayari sa atin dito at hindi ko sila pakikialaman. Pakikitunguhan ko pa ng maayos.""
""Pero s-sir..."" Balak pa talagang umalma ni Ella.
""I already gave you the good option and great favor, Ella! Well, kung sa tingin mo ay hindi pa makatao ang mga sinabi ko, then, hayaan mo na lang na gabihin sa paghihintay ang mga magulang mo sa bus station. Hindi kita papayagang makaalis sa bahay na 'to, Ella!""
Walang nagawa si Ella kundi ang pumayag at sundin na lamang ang sinabi ni Xander.
""Sige po, sir. Dalhin ko na lang sila rito,"" malumanay niyang sambit.
""Good!"" ani Xander. ""Just text me kung anong oras ka magsusundo sa bus station para matawagan ko ang driver ko.""
""H-Ho?"" Gulat na gulat talaga si Ella sa kaniyang mga narinig.
Totoo ba ito? Si Xander Angelo Monteverde ba talaga itong kaharap niya?
""Para hindi ka na mahirapan mag-commute, Ella. Baka mamaya maligaw ka pa."" Pagsabi ay dumukot pa sa bulsa si Xander at nag-abot ng ilang libong pera sa kaniya. ""Mag-lunch na lang kayo bago umuwi dahil walang pagkain silang dadatnan dito. Huwag mong kalimutan na isama ang driver ko.""
Walang pag-alinlangan na tinanggap ni Ella ang pera at nagpasalamat kay Xander. Hindi na siya magkukunwari pa, natutuwa siya at halos yakapin niya si Xander. Hiling niya na sana ganito palagi ang ugali ni Xander at hindi na umalis ang kabaitang sumanib sa demonyo nitong katawan.
""Tandaan mo, Ella! Susundo ka lang, sunod kakain at pagkatapos ay uuwi."" Paalala ni Xander.
""Opo, sir! Malinaw po,"" sagot niya.
Pagkuwan ay naiwang mag-isa si Ella sa baba. Paakyat na si Xander sa kwarto nito at nang mawala na ito sa paningin niya ay pumasok naman siya sa kaniyang silid upang magbihis.
Hindi niya kinalimutan ang bilin ni Xander na mag-text siya kung ano ang tantiyang oras ng kaniyang pag-alis. Talagang nag-text siya para maabisuhan ni Xander ang driver na siyang makakasama niya sa pagsundo ng kaniyang magulang at anak sa bus terminal. Ini-text na rin niya si Noelyn upang ipaalam dito na nakauwi na ang kanilang amo at hinahanap siya nito.