⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Abala na si Xander sa loob ng kaniyang opisina sa bahay. Tambak ang mga papel na nakapatong sa kaniyang desk at kaharap niya ngayon. Mga dokumento iyon na kailangan niyang basahin at pirmahan. Nag-iisa na lang siya ngayon sa bahay. Nakaalis na si Noelyn pauwi sa Rancho Villaruiz dahil pinatawag ito ng kaniyang Ate Alexandra. Ngayong araw kasi ay birthday ni Aling Noela na tiyahin ni Noelyn at may hinandang sorpresa ang kaniyang kapatid. Kasama ni Noelyn na uuwi sa Rancho Villaruiz ang kaniyang Mommy Kathy at Daddy Dylan. Napahikab siya. ""Hay, naku!"" Sising-sisi si Xander kung bakit hindi niya tinapos ang mga pipirmahan kahapon. Eh, 'di sana ay nakasama siya pauwing Rancho Villaruiz at nag-e-enjoy na sa selebrasyon doon. Maliban diyan ay tiyak na makapag-relax siya ng hus

