⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Magkakasama sa loob ng sasakyan sina Ella, Xander at Rap-Rap. Pupunta sa bayan ang tatlo upang mamili ng mga pang-araw-araw na kakailangin nina Ella at ni Rap-Rap. Babalik na kasi bukas ng gabi si Xander sa Maynila at hindi alam ni Ella kung kailan muli ito babalik upang bisitahin siya. ""Sa grocery mall na lang kaya tayo pumunta,"" wika ni Xander sa gitna ng biyahe. ""Sa palengke na lang, Xander. Mas fresh kasi ang tinda doon at mas mura. Mga pang-ulam lang naman ang bibilhin natin."" ""Paano ang mga shampoo o sabon niyo? Hindi ka na bibili?"" tanong ni Xander. ""Pati pa ba 'yon?"" aniya. ""Sinabi kong lahat, 'di ba?"" tugon ni Xander. ""Pwede naman bumili ng mga 'yan doon kasi may mga grocery stalls sa loob ng palengke, Xander. Ako na lang ang bahalang mag-ikot doon.""

