⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Nasa loob ng sasakyan ng mga sandaling iyon sina Xander at Rap-Rap. Naghihintay sila roon kay Ella at tanaw niya ito kanina pa malapit sa may pilahan ng mga traysikel. Sa unang tingin ni Xander kanina ay tila may kausap lang si Ella ngunit habang tumatagal niyang pinagmamasdan ay tila may tensiyon na namumuo roon. ""Baby ko, dito ka lang muna. Pupuntahan ko lang si mama,"" paalam niya kay Rap-Rap. ""Opo, papa."" Bilin pa ni Xander na huwag malikot si Rap-Rap sa loob bago bumaba. Mabilis ang mga hakbang ni Xander palapit kay Ella. At habang palapit doon si Xander ay rinig na rinig ang malakas na boses ni Ella habang nakikipagsagutan sa lalaki. ""Inumpisahan mo ako!"" rinig niyang malakas na sigaw ni Ella. Dahil doon ay nagdalos-dali si Xander. Lalo na at sa kilos pa lang

