XM|27

1994 Words

⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Pakanta-kanta si Ella habang naglalakad bitbit ang batya at timba. Nakapatong sa kaniyang ulo ang batya na puno ng mga nilabhan at hawak naman ng kaniyang kaliwang kamay ang timba. Nanggaling siya sa poso para maglaba at pauwi na sa kanilang bahay. Higit isang buwan na buhat nang umuwi si Ella. Subalit hindi pa rin pa rin nakakahanap ng mapapasukang trabaho. Sinubukan naman niyang mag-apply kung saan–saan sa bayan pero walang siyang nahanap na maayos na mapapasukan. Kaya pansamantala ay naglilinis muna siya ng kuko o nagpi-pedicure at manicure service muna siya para may pagkakakitaan sa ngayon. Sa tuwing napasok ang kaniyang anak sa isang Day Care Center ay si Ella na ang naghahatid. Dala-dala na rin niya ang kaniyang mga kagamitan at habang naghihintay na matapos ang klase

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD