⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ ""Ferra, bilisan mo na!"" sigaw ni Xander. Papaalis na si Xander upang pumasok sa kaniyang opisina sa mga oras na ito. Nasa bahay siya ng kaniyang mga magulang ngayon at dito siya natulog. Nandito rin ngayon sa bahay ng kaniyang mga magulang si Ferra dahil nasa hospital sina Maurice at Julius. Isinugod kagabi sa hospital ang kapatid ni Ferra sa sobrang taas ng lagnat nito. Gaya niya, papasok din ngayong umaga sa eskwelahan si Ferra kaya’t isasabay na ito ni Xander. Idadaan ni Xander si Ferra sa eskwelahan nito bago pumasok sa opisina. ""Nasaan na si Ferra?"" tanong ni Kathy na ina ni Xander. ""Sa loob pa, mom,"" sagot niya. ""Ang bagal nga niya kumilos, eh."" Sa sinabi niya sa kaniyang ina ay malakas na tinawag ni Kathy si Ferra. Pinabatid nitong aalis na silang dalawa n

