⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅
Nakatayo si Xander malapit sa bintana at nakatingin sa malayo. Gumagamit din ang binata ng vape na ibinubuga nito ang mabangong usok sa labas ng bintana. Iyon ang kaniyang tanging paraan upang hindi makonsensiya sa mga maling ginagawa.
""Hindi ako pwedeng maawa sa babaeng 'yon! She deserve it!"" gigil niyang sambit sa kawalan.
Galit man ay nilibang ni Xander ang mga mata sa ganda ng tanawin. Puting-puti ang buhagin at kung titingnan ang dagat ay mistulang humahalik ang langit dito. Subalit maya-maya ay may narinig siyang yabag na agad niyang ikinalingon.
""Boss!"" anang lalaking papalapit. Isa ito sa mga tauhan ng kaniyang ama ngunit sa ngayon ay sa kaniya na naninilbihan.
""Yes?"" pormal at mala-amo niyang boses.
""Mawalang-galang na, boss. Mahigit sampung taon na akong nagtatrabaho sa ama niyo pero ngayon lang nangyari na may binihag na babae."" Tila nakikiramdam ito kay Xander habang nagsasalita. ""Boss, pasensiya na pero hindi ko kaya makita na may pinapahirapang babae. Hindi lang ako kundi lahat kami, ako lang ang naglakas-loob na nagsalita.""
Hindi naman nakakibo si Xander sa sinabi ng kaniyang tauhan. Nanibago yata ang mga tauhan dahil kilala siyang mabait ng mga ito.
""Boss, kung ano man ang pagkakasala ng babaeng 'yon sa iyo baka naman pwedeng idaan na lang sa legal,"" mungkahi pa ng tauhang lalaki.
""No!"" galit niyang boses. ""Hayaan niyong ako ang magpataw ng parusa sa babaeng ‘yon!""
""Kung gano’n, ipagpaumanhin mo dahil bukas na bukas din aalis ako rito. Hindi ko kaya ang nakikita ko, boss. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay hindi na ako sumama para dukutin ‘yong babae."" Pagkasabi ay tinalikuran siya nito. Subalit ilang hakbang pa bago tuluyang makalayo ay lumingon ito sa kaniya at nagpahabol pa ng salita. ""Boss, alam kong mabait kang tao. Sana makonsensiya ka sa ginagawa mo.""
Nang masabi iyon ay walang kalingon-lingon na itong tuluyang lumayo. Mistula namang napako sa kinatatayuan si Xander. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ng lalaking iyon.
Pilit ni Xander na isinisiksik sa kaniyang isip na huwag kaawaan ang nagwalang-hiya sa kaniyang ina. Subalit hindi niya maiwasang tamaan ng mga sinabi ng isa sa kaniyang tauhan. Maliban doon ay nangangamba na rin siya na baka makarating ang ginawa niyang ito sa kaniyang ama. Lagot talaga siya sa Daddy Dylan niya kapag magsumbong ang lalaking iyon.
Bente-otso na si Xander. Sa edad niyang ito ay may takot pa rin siya sa kaniyang kinikilalang ama. Lumaki silang dalawa ng Ate Alexandra niya nang hindi napagbubuhatan ng kamay. Pero maraming beses na niyang nasaksihan na nagalit ang kaniyang ama at talagang boses pa lang ay nakakapanginig na ng laman.
Baka kapag nalaman ng ama niya ang tungkol kay Ella ay makakatikim siya ng kastigo-militar dito. Baka mapagbuhatan siya nito ng kamay sa unang pagkakataon.
""B*llshit!"" malakas na mura niya habang nakakuyom ang kamao. ""Wala sana tayong problema kung hindi mo lang tinawag na k*bit ang Mommy Angelique ko, Ella! Hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin 'yon bilang anak. Sa ginawa mo ay pinagpiyestahan ang mommy kong walang kalaban-laban.""
Kung lalaki lang ang gumawa ng bagay na iyon sa kaniyang ina baka nabaril na niya. Talagang hindi humuhupa ang galit niya sa babae.
""Sir, ayaw pa ring kumain no'ng babae.""
Nagulat si Xander nang may biglang magsalita. Nilingon niya at ito ay isa rin sa kaniyang mga tauhan na kasama. Titig na titig siya rito bago magsalita.
""Hayaan niyo siyang mamatay sa gutom!"" Ang kaniyang naging tugon dito.
Walang salitang lumayo sa kaniya ang tauhang kausap niya. Wala naman kasi siyang pakialam kung ayaw kumain ng Ella na iyon.
Pinag-isipan ni Xander ng mabuti ang susunod na gagawin. Ngunit hindi naman siya makapag-isip nang maayos dahil hindi siya komportable. Pakiramdam kasi niya ay nanlalakit siya kaya napagpasyahan na lamang niyang maligo.
Tinungo ni Xander ang silid sa taas kung saan naroon mismo si Ella. Doon kasi ang mga damit niya kaya kukuha siya roon ng kaniyang pampalit pagkatapos maligo.
Nang nasa tapat na siya ng pinto ng nasabing silid ay pinihit niya agad ang doorknob upang mabuksan. Sa pagbukas ng pinto ay lumantad sa kaniya si Ella na kadapa sa kama. Rinig niya ang mga hikbi nito kahit pa nakasubsob sa unan.
Tila hindi naman namalayan ng babae ang kaniyang pagpasok. Maaari rin na ramdam nito ang kaniyang presensiya ngunit hindi siya nito pansin. Hindi na lang din pinansin ni Xander ito at tumuloy na lamang sa kaniyang damitan.
Pagbukas niya ng pinto ng kaniyang damitan ay lumikha ng ingay. Dahil doon ay nag-angat ng ulo si Ella at tumingin sa direksiyon niya. Bakas agad sa mukha nito ang takot nang makita siya. Nagpatuloy lamang si Xander sa paghalungkat ng kaniyang damit na isusuot at pinabayaan na lamang si Ella.
""S-Sir..."" Kabadong boses nito.
Natigilan si Xander nang magsalita si Ellla. Nilingon niya ito at nakita niyang bumangon buhat sa pagkakadapa sa kama. Lumapit ito sa kaniya at hindi inasahan ni Xander ang sumunod nitong ginawa.
Lumuhod si Ella sa harapan niya. Tuloy-tuloy ang pag-iyak nito at nagmamakaawa na pakawalan na niya.
""Maaawa kayo sa akin, sir. Please, pauwiin niyo na ak—""
""Hindi ko magagawa 'yon!"" Bara ni Xander agad dito. Sa klase ng pananalita niya ay bakas nang hindi mababago kung ano ang kaniyang nasabi. ""Tumayo ka kung ayaw mong may gawin ako ulit sa'yo! Nakaluhod ka pa naman.""
Tumayo si Ella at napansin ni Xander na namumula ang tuhod nito.
""Sir, kung ayaw niyo akong pakawalan ay bigyan niyo na lang po ako ng trabaho."" Sumunod na sinabi ni Ella. ""Nakakahiya man pero kailangan kong kumita. May mga umaasa sa'kin kaya maawa kayo.""
Napahinga ng malalim si Xander.
""Anong trabaho ang alam mo?""
""Marunong ako sa gawaing bahay, sir.""
""Mag-usap tayo mamaya,"" aniya rito.
""Salamat, sir."" Maluha-luha pa si Ella nang sabihin iyon ngunit may bakas ng konting saya sa boses nito.
Nag-iwas na lang ng tingin si Xander. Ayaw niyang magpahalata na nakakaramdam na siya ng awa rito. Maya-maya ay nahagip ng mga mata niya ang damit ng kaniyang kapatid na si Alexandra. Naiwan ito roon nang minsang bumisita ito sa kaniya kasama ang asawang pulitiko na si Lawrence. Kinuha niya iyon at hinagis kay Ella.
""Maligo ka at magpalit ng damit. Ayusin mo 'yang sarili mo!""
Dinampot ni Ella ang hinagis niya rito. Damit na bestida iyon at thong. Tinaas pa ni Ella ang underwear na animo ay sinusuri. Kulang na lang amuyin nito.
""Damit ng ate ko 'yan, Ella. Malinis 'yan kahit gamit na."" Pinangunahan na niya ito.
""H-Hindi ako nito nasuot, sir."" Tinutukoy ni Ella ay iyong thong.
""Napakaarte! Eh 'di, huwag kang mag-panty!""
""Iyong boxer shorts na lang, sir."" Tinuro ni Ella ang boxer short niyang nasa damitan at naka-hanger.
Pailing-iling na kinuha ni Xander sa hanger ang boxer shorts niyang tinuro ni Ella. Pahagis niyang binigay rito at lumabas na dala-dala ang damit. Iniwan niya si Ella at sa banyo na dumeretso.
Nang nasa loob na ng banyo si Xander ay nagmuni-muni muna siya roon at kinuha niya ang kaniyang cellphone. Hinanap niya ang numero ng kaniyang personal assistant na si Noelyn.
Si Noelyn ang pamangkin ni Aling Noela na katiwala nina Dylan at Kathy sa Rancho Villaruiz. Dahil matagal na ni Xander na kakilala ito ay hinangad niyang bigyan ng magandang oportunidad ang babae. Nakapagtapos naman ito ng apat na taong kurso sa kolehiyo kaya't ini-hire niya na lang ito bilang kaniyang personal assistant. Bagay na hindi naman tinanggihan ni Noelyn dahil sa mataas na pasahod niya rito.
""Sir?"" tipid na wika ni Noelyn.
""Hindi ako makakauwi ngayong gabi,"" anito.
""Ho? Aba'y bakit?"" nagtataka namang tanong ni Noelyn.
""Basta! 'Wag ka nang mag-usisa,"" sansala niya rito.
Ganito talaga sila mag-usap ng personal assistant niya. Parang magtropa lang sila kapag wala sila sa opisina at hindi oras ng trabaho. At kung nagtataka kayo kung bakit pinaalam ni Xander na hindi siya makakauwi dahil sa iisang bahay lang sila nakatira.
Sa bahay ni Xander nakatira si Noelyn. Bago pa man kasi niya kinuha si Noelyn sa Rancho Villaruiz ay ipinaalam na ni Xander kay Aling Noela na sa bahay niya titira si Noelyn. Bagay na naging mas madali ang trabaho ni Noelyn sa kaniya dahil madalas silang magkasama.
""Sure na po ba 'yan, sir?"" naninigurong tanong nito.
""Yes!"" walang ano-anong tugon ni Xander. ""Mag-lock kayo ng bahay, ha? Tatawagan na lang uli kita dahil may ipapagawa ako sa'yo.""
""Okay po. Tawag lang kayo ulit.""
Pagkaputol ng tawag ay sumilay ang tabinging ngiti sa labi ni Xander. Nagpapasalamat siya kay Ella dahil binigyan siya nito ng ideya at nasolusyunan ang bumabagabag sa isipan niya kanina.
Sa ngayon ay tatlong tao lang ang kasama ni Xander sa kaniyang pamamahay. Si Noelyn, ang driver at si Eda na kaisa-isahang kasambahay niya. Malaki ang bahay niya pero hindi naman niya kailangan ng maraming katulong dahil hindi naman siya makalat sa loob ng bahay.
Isang katulong lang ang mayroon siya para may taga-laba lang siya at taga-luto ng kanilang pagkain. Kapag usapang paglilinis ay may cleaning services siyang naglilinis tuwing linggo. At kung minsan kapag sinumpong ng kasipagan si Noelyn ay nagwawalis-walis din ito. Pero dahil kay Ella ay naisip niyang panahon na para magdagdag siya ng katulong. At dahil doon ay mas lalong malaya siya sa paghihiganti dahil nasa pamamahay niya na ito.
""Katulong sa araw, parausan sa gabi!"" wika niyang mag-isa at nakangisi.
Kinuha ni Xander ulit ang cellphone at pinanood muli ang s*x video. Subalit kalaunan ay hindi niya rin nasikmura ang nakikita kaya't walang pagdadalawang-isip niyang binura. Nabura na rin niya kanina ang video content na gawa ni Ella maging ang buong page. Nilinis niya ang nasa cellphone ni Ella na may kinalaman sa kaniya dahil balak na niyang ibalik dito ang bagay na iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay tinawagan muli ni Xander si Noelyn. At ipinaliwanag niya kung ano ang ipapagawa niya rito.
""Sir, seryoso ba ‘yan?"" nagugulumihang tanong ni Noelyn. Mukhang hindi makapaniwala sa iniuutos niya. ""Baka naman bagong personal assistant 'yan at palitan mo na ako? Kasi kung katulong ay hindi mo naman kailangang magdagdag.""
""Tsk! 'Wag ka na kasing makialam!"" masungit niyang sabi. ""Gawin mo na lang ang sinabi ko at 'wag ka nang magkwento sa iba.""
""Okay po, sir.""
Tiyak ni Xander na matapos silang mag-usap ni Noelyn ay maraming tanong ang nasa isip nito. Pero kabisado naman niya ang babae na kapag sinabi niyang huwag ipagsabi ay talagang tikom ang bibig nito ukol doon. Kalunan ay tumayo na si Xander at nilagay muna ang cellphone sa bahaging hindi mababasa o matalsikan ng tubig. Maliligo na siya at tamang-tama lang iyan na naka-email na si Noelyn sa kaniya pagkatapos niya.