⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Hindi maalis-alis ang tingin ni Xander kay Ella habang nagsasalita ito. Magkasama silang dalawa ngayon ni Ella sa kusina at magkatuwang sa pagluluto ng hapunan. Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon upang makausap si Ella at habang tumatagal ang kanilang konbersasyon ay nagkakainteres siya na kilalanin ito ng lubos. Bahagyang natawa si Xander sa huling sinabi ni Ella. May katotohanan naman talaga at sang-ayon siya rito na maraming kalalakihan ang natakbo sa responsibilidad ng pagiging ama. At dahil doon ay nakatyempo si Xander na isingit ang nararamdaman niya para kay Rap-Rap. ""Ako, hindi ako gano'ng lalaki, Ella. Kung papayag ka nga ay handa akong tumayong ama kay Rap-Ra—"" Hindi natapos ni Xander ang kaniyang sasabihin. Nabitawan kasi ni Ella ang kutsilyong ginagamit nito

