XM|13

1822 Words

⑅✿⑅ELLA⑅✿⑅ Balisa at hindi mapakali si Ella sa sala ng bahay ni Xander. Panay rin ang sulyap niya sa kaniyang cellphone at kanina pa siya nagbabalak na tawagan si Xander. Binabalot na ng kaba ang kaniyang dibdib dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Xander kasama ng anak niya. Wala pang alas-dose ng tanghali umalis ang mga ito at ang paalam ay bibili lamang ng prutas. Subalit ngayon ay mag-aalas kwatro na ng hapon at napagod na siya sa kasisilip sa gate kung may sasakyang parating ngunit wala talaga. Nag-aalala siya kung saan na dinala ni Xander ang kaniyang anak at baka inilayo na nito sa kaniya. Tumayo siyang muli at sumilip sa labas. ""Ano ba 'yan, Ella?"" sita ng kaniyang step-mother. ""Kanina pa kita napapansin na hindi mapakali."" Nanonood silang tatlo ng TV sa sala.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD