⑅✷⑅XANDER⑅✷⑅ Nakaupo si Xander sa unahang bahagi ng mesa. Nasa kanang bahagi niya si Ella at si Rap-Rap naman ay nasa kaliwa. Kaharap niya ang mga ito at tatlong silang magkakasalo sa hapag-kainan. Silang tatlo na lang ang kumakain ng agahan dahil tapos na ang mga magulang ni Ella nang sila ay pumasok sa loob ng bahay. ""Pwede po bang mamaya kukuha pa ako ng aratilis sa labas?"" hinging permiso ni Rap-Rap habang sila ay kumakaing tatlo. ""Sure!"" Agad na pagpayag niya. ""Tutulungan pa kita mamaya."" ""Talaga po?"" tanong ni Rap-Rap. ""Yes, of course! Wala naman akong gagawin mamaya."" Sa maikling oras na kasama ni Xander si Rap-Rap ay tila nadikit na siya sa bata. Ibayong saya ang nararamdaman niya kapag nasa kaniyang tabi at kalaro niya ang anak ni Ella. May dalawang pamangkin naman

