Buo na ang desisyon ni Ashleigh na sabihin na ang lahat ng katotohanan tungkol sa pagkatao niya sa lalaking gusto niya—kay Angelo. Ilang beses niyang pinag-isipan ng mabuti ang tungkol sa bagay na ito at ngayon nga ay nakapagpasya na siya na aminin na ang lahat dito. Hindi na kasi kaya ng konsensya niya na patuloy na magsinungaling pa at patuloy na lokohin pa ang lalaking gusto niya, maging ang mga taong kumupkop at nagpakita ng pagmamalasakit sa kanya. Tutal ay umamin na rin naman si Angelo sa kanya ng nararamdaman nito, ay panahon na rin para sabihin din niya sa lalaki na gusto niya rin ito. Humigit siya ng malalim na paghinga habang paulit-ulit niyang pinagkukuskos ang magkabilang palad niya. Pilit niyang pinakakalma ang sarili dahil sa malakas na kaba na nararamdaman niya. Tandang-ta

