“Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan,” naguguluhan na tanong ni Belle kay Angelo. Batid ni Angelo na walang naaalala ang babae kaya ganito ang reaksyon nito sa sinabi niya rito. At kung pwede nga lang na habang-buhay nang huwag bumalik ang mga alaala nito ay matagal na niyang hiniling iyon. Ngunit hindi pwede dahil alam naman niyang may sariling buhay na kailangan balikan ang dalaga. Gusto niya si Belle ngunit alam niyang hindi siya pwedeng maging makasarili. Kaya kahit na masakit ay isang desisyon ang napagdesisyunan niya sa huli. Ibabalik na niya si Belle sa dapat na paglagyan nito. Ito ang napagdesisyunan niya sa nalaman niya kaninang umaga mula sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. At dahil doon ay mabilis na nagbalik sa isipan niya ang mga nangyari kanina. “Fiancée niyo po

