KATULAD ng sinabi sa kaniya ni Vincent, inihatid lang nito pauwi sa bahay nila si Aling Nida at saka kumuha ng ilang personal na bagay sa bahay nito at bumalik narin ng ospital. "Nasabi ko kay Papa ang tungkol sa nangyari kay Tita," anito nang ilapag niya ang isa sa dalawang kape na inorder at ipinaakyat niya mula sa cafeteria ng ospital. "To be honest, gusto niyang sumama. Pinigilan ko lang siya dahil inisip ko na masyado pang maaga para sa kondisyon ng Tita Cecil," pagbibigay alam nito sa kaniya. Noon naupo si Portia sa isa pang bakanteng silya sa mismong mesa kung saan nakapatong ang isang bukas na laptop. Ayon sa asawa niya ay iyon ang kinuha nito sa mansyon at ilan pang mga papeles na kailangan nitong tapusin. Dahil kung plano raw niya ang mag-stay doon para bantayan ang tiyahin ni

