Huh, two hundred thousand pesos! Anong tingin niya sa akin? Babaeng bayaran! Nanginig ang kamay ko habang hawak ang cheque. Two hundred thousand pesos ito, at paulit-ulit ko itong binasa. Two hundred thousand pesos nga. Ito ba ang halaga ko sa kanya? Ganito ba ang tingin niya sa akin? Ibig sabihin, ang mga gabing ginawa namin iyon ay pera ang nasa utak na ibabayad niya pabalik sa akin? Hayop ka, Neo! Ang sama-sama mo! Sigaw ng isip ko, at walang humpay ang agos ng luha sa mga mata ko. Okay na sana. Nakalimutan ko na e. Pero dahil sa narinig ko kanina na pag-uusap nila ni Sir Faust ay hinalungkat ko lang ang mensahi niya at ang maliit na sobre na nilagay ko sa maleta. I did not open it when I was at the island because my heart was so hurt and my mind was so clouded. Ito ang sinabi

