"Welcome back, Ma'am Bree," bati nilang lahat sa akin nang makarating kami sa daungan. Maliban kay Manong Yetti, ay tumulong na ang isang staff na bitbitin ang mga dala ko. Alam ko na mugto pa rin ang mga mata ko, pero hindi na yata masyadong halata ito. Natatakpan lang din ito ng itim na sunglasses ko. "Salamat," saad ko sa isang staff nang makarating kami sa pinto ng elevator. "Your welcome, Ma'am," yuko niya. Ako na lang din mag-isa ang pumasok sa elevator na bitbit ang lahat ng gamit ko. Bawal na kasi silang umakyat, ang mga staff dito sa palapag na kung nasaan ang mga VIP's residency. Nabalot agad ng lungkot ang puso ko at nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Nang bumukas ang elevator, ay maingat ang hakbang ko. At nahinto ako sa pintong harap ng un

