Tulala at mugto ang mga mata ko habang hinihintay ang yate ng resort. I wish I could stop my tears from flowing but I could not. Sana may switch off and on button para sa luha, pero sadyang wala talaga. Kahit pa suot ko ang sunglasses sa mukha ay parang water falls ang luha ko, at hindi ko mapigilan ito. I don't think I could face them looking like this. . . Nakakahiya, at hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko. . "Ma'am, ready na po," tugon ni Manong, isa sa mga staff rito. "S-Sige, Manong," sabay lunok ko sa sarili. I have to be tough just for today and tomorrow. Saka na ako mag-iisip, at mamaya na. Aayusin ko muna ang lahat at kailangan kong bumalik sa isla. Mabilis na pinasok ni Manong ang mga bagahe ko sa loob ng yate at pati na ang lahat ng pasalubong. Mahina akong

