"Uy ang haba ng hair!" si Elsa. "Libre na naman tayo ng snacks nito. Ayee!" saad ni Raquel. Ngumuso ko at kunot-noong nakatitig sa gabundok na pagkain sa harapan ko. Dalawang supot na biscuits at dalawang malalaking lata ng chocolate powdered milk. Napakurap ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nito. Akma na sanang buksan ni Elsa ang plastic, para mas matitigan pa ang laman sa loob. Pero sinuway ko. "Huwag mong hawakan! Walang hahawak at walang gagalaw sa mga pagkain na iyan!" tigas na utos ko. Napatingin na silang dalawa sa akin. Ngumuso na si Elsa at hinaplos ang tiyan niya. "Gutom ako, Bree," ismid niya. "Sayang naman ang pagkain, Bree. Wala naman silang kasalanan," si Raquel. Maingat ang pag-hawi na ginawa niya sa buhok, at nakatitig lang din silang dalawa s

