"Bree! Bree! Tingnan mo!" si Elsa. Halos mapunit na nga ang uniporme ko dahil sa kakahila niya nito. Kumunot ang noo ko, at tinitigan ang lalaking na nasa ground floor ng building. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil nasa babang bahagi ito. Samantalang nasa ika-anim na palapag ng building naman ang department floor namin. "Oh my god! Who is that?" Pareho kaming napalingon ni Elsa sa babaeng nasa tabi ko. Humanga agad ako sa ganda niya. Nakamamangha kasi ito at kakaiba. She's somehow familiar and even her name sound so similar. Bumaba ang kamay ni Elsa sa gilid ng palda ko at hinila ako paatras. Hindi ako natinag at nakatitig lang din sa babaeng ubod ng ganda sa tabi ko. Maarte siya at halata ito. Mahaba ang kulot na buhok niya at parang modelo ng shampoo. Porc

