Nagising s’ya sa hindi pamilyar na silid. Nang ilibot n’ya ang kanyang paningin ay napagtanto n’yang nasa hospital s’ya. Napakunot ang kanyang noo. Paano s’ya nakarating dito? Nang subukan n’yang bumangon ay napangiwi s’ya ng makaramdam ng sakit ng ulo. Hinipo n’ya ang kanyang noo at doon n’ya napagtantong napakainit n’ya. Nilalagnat s’ya. Napabuntong hininga na lamang s’ya habang nakatitig sa kisame. Hinid n’ya alam kung ano ang gagawin n’ya ngayon sa buhay n’ya. Gusto n’yang kalimutan ang lahat ng masasakit na nangyari sa kanya ngunit napakahirap gawin. Sakit. Galit. Iyan ang kanyang nararamdaman sa puntong ito. Nasasaktan s’ya dahil muling nawala si Janus sa kanya at nagagalit s’ya dahil sa walang-awang pagpapasakit ng mga itim na Engkanto dito. Pilit n’yang inaalala ang nangyari n

