ELISE: Makalipas ang isang linggo ay unti-unti nang nagiging maayos ang lahat. Bumuti na rin ang lagay ng ate ko, habang si Mr. Lemuel naman ay nakaconfine parin sa ospital. Pero paglabas niya doon ay diretso agad siya sa kulungan. Napangiti ako habang nilalasap ko ang sariwang hangin na umiihip mula sa hardin ng bahay namin ni Tyler. Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng ngiti sa aking mga labi, mga ngiting nagpapatunay na ayos na ang lahat. At sa wakas ay hindi ko na kailangang matakot kay Mr. Lemuel o mangamba na baka makulong ako. Tinulungan ako ni Tyler na malinis ang pangalan ko at hindi ako madamay sa mga kasalanan ni Mr. Lemuel. "Andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Yinakap ako ni Tyler mula sa likod. "Hindi ka ba papasok ngayon?" Magtatanghali na kasi ay andito parin

