ELISE: "Hayop ka talagang babae ka!" Isang malakas na sampal agad ang natanggap ko mula sa mommy ni Tyler. Napapikit ako habang dinadama ko ang sakit ng sampal niya. "Ma, stop it! Don't hurt my wife!" pagtatanggol ni Tyler sa'kin. Hinila niya ako palayo sa mommy niya at yinakap niya ako nang mahigpit. "Tyler kakampihan mo parin 'yang babaeng 'yan matapos nang ginawa niya? Muntik ka nang mapahamak dahil sa kanya! And what's worst is muntik ka nang makapatay!" pakikisali ng epal na si Ria. Hindi ko alam kung bakit pumunta pa talaga sila dito sa ospital, hindi ba sila makapaghintay na umuwi ako? Kita na nga nilang nasa ER ang ate Elly ko! "You are not allowed to speak Ria! Your opinion isn't needed here!" saway sa kanya ni Tyler. Bilib din ako sa kapal ng mukha ng babaeng 'to, halata na

