ELISE: Tumawa nang malakas si Mr. Lemuel nang makita niya ako. Baliw na talaga ang lalakeng ito, kahit kailan talaga ay abno at napakadesperado niya! "Why are you here? Sinabi ko na sa'yo na manatili ka lang doon sa sasakyan," bulong sa'kin ni Tyler nang makalapit na ako sa kanya. "Tyler, hindi ako mapapalagay kung andon lang ako sa loob ng kotse at naghihintay ng balita!" Parang mababaliw ako sa bawat minuto na lumilipas na wala akong ginagawa. "You came here to witness your sister's death?" pang-aasar ni Mr. Lemuel sa'kin. "Or you came to see your husband die?" "Anong akala mo sa'kin, stupid? I came here to witness your death!" bulyaw ko sa kanya. Magiging tahimik lang ang lahat kung papatayin ko siya. Dahil hanggat nabubuhay siya ay para siyang peste na sumisira sa mga buhay nam

