MR. LEMUEL: "George Lemuel may dalaw ka," sambit ng pulis bago nito binuksan ang selda. Sino naman kaya ang bibisita sa'kin nang ganito kaaga? Kagabi lang ay nagpunta dito si Mr. Ferrel, sino naman kaya itong ang aga kung dumalaw ngayon? Nag-inat muna ako ng likod, sumasakit na naman ang likod ko dahil sa tigas ng higaan dito. Habang naglalakad ako papunta sa dalawan ay nakasunod lang sa'kin ang dalawang pulis. Akala yata ng mga 'to ay tatakas ako. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pinto ay natanaw ko na agad ang isa sa mga tauhan kong si Vlad. "Boss, pasensiya ka na ngayon lang ako nakadalaw," paghingi nito nang paumanhin nang makalapit na ako sa kanya. "Nakausap mo na ba si attorney?" Tumingin-tingin muna ako sa paligid dahil baka may tauhan dito ni Mr. Ferrel na nagpapangg

