ELISE: "What's wrong?" takang tanong ni Alejandro nang mapansin niyang natulala ako sa malaking portrait. "Si..sino siya?" nag-aalangang tanong ko. "She's my aunt, asawa ni tito Ivan," sagot niya. Siya ang asawa ni Mr. Ferrel? Anong kinalaman ko sa kanya at bakit siya nagpapakita sa panaginip ko? "Alejandro, mabuti naman at andito ka na." Pareho kaming napalingon ni Alejandro dahil sa baritonong boses na narinig namin. Isang matangkad na lalake na sa tingin ko ay nasa 50 years old na ang bumababa mula sa grand staircase nitong bahay. Sa mukha palang nito ay tiyak na mapapahanga ka na dahil guwapo ito at parang heartthrob pa kung titingnan. Ngunit kung tititigan mo ang mga mata nito ay makikita mo mula rito ang magkahalong lungkot at poot. "Tito Ivan." Nakangiting lumapit dito si Ale

