Elise: Nagising ako sa pinaghalong sakit at paghapdi ng tiyan ko. Huhu, ito na nga ba ang sinasabi ko mukhang sinusumpong na naman ako ng ulcer. Parang tinotorture na naman ang tiyan ko sa sakit. Pinilit kong bumangon para sana magtungo sa cr dahil nasusuka na naman ako pero napaupo ako sa sahig dahil mas lalo itong sumakit. "Aray!" Napahiyaw pa ako sa sakit habang pinipigilan kong masuka. Jusme baka masapak ako ni Tyler pagdinumihan ko ang sahig. Speaking of that devil, kasalanan niya talaga kung ba't ako namimilipit sa sakit ngayon. Kung hindi sana niya ako pinagtripan ay hindi sana ako magtitiis sa gutom at gigising na namimilipit sa sakit. "Aray!" muli na naman akong napahiyaw. Grabe talaga ang sakit ng tiyan ko, hindi ko na napigilan ang tuluyang pagtulo ng aking mga luha. Umiiy

