ELISE: "Marunong ka na magsorry?" may halong pang-aasar na tanong ko sa kanya. Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Will you shut-up and just eat?" inis na wika nito na ikinatawa ko nalang. "Okay boss," sarcastic na sagot ko. Muli na namang sumama ang tingin nito kaya napairap nalang ako. Biglang nag slow-mo ang paligid nang hipan nito ang isang kutsarang lugaw bago ito tuluyang isubo sa'kin. Nakatulala lang ako sa kanya habang nginunguya ko ang lugaw na akala mo naman ay matigas sa tagal ng pagnguya ko rito. "What's wrong with you? Ba't ka tulala?" Parang nagising naman ang diwa ko dahil sa tanong niyang iyon. "H..ha? Hindi kaya," pa-inosenteng sagot ko. Sige lang self mag maang-maangan ka pa, galing mo eh! "Tsk! You're blushing and you look really terrible." "Sinong nagbablush ha

