[Third Person's POV:] Makalipas ang dalawang araw ay bumuti na rin ang pakiramdam ni Elise. Lumabas siya ng kanyang silid, sakto namang dumaan ang mayordoma na si Nay Esme na may dalang walis tambo. "Magandang umaga hija," bati nito kay Elise. Ngumiti pa ito kaya napangiti nalang din ang dalaga. "Magandang umaga din po nay, saan po ang punta mo?" tanong ni Elise sa mayordoma. "Maglilinis ako sa opisina ni sir Tyler hija." Napaisip si Elise dahil sa sinabing ito ng mayordoma. Mukhang ito na nga ang magiging susi para makapasok siya sa opisina ng binata. "Tulungan ko na po kayo nay," pagboboluntaryo nito, pero nais lang talaga nitong makita ang mga confidential files na ipinapahanap ni Mr. Lemuel sa kanya. "Naku hija, hindi puwede. Baka mapagalitan ako ni sir Tyler pag pinaglinis kita

