Elise: "Finally, ang buong akala ko ay nakalimutan mo na ang kapatid mo," makahulugang wika ni Mr. Lemuel pagkaupo ko. Alam ko na kung ano ang ipinapahiwatig nito, nais na naman niyang ipaalala na hawak niya ang kapatid ko at sa sandaling sumuway ako sa gusto niya ay hindi siya mangingiming saktan ito. "Mr. Lemuel naospital po kasi ako kaya hindi ko agad nagawa ang gusto niyo," paliwanag ko. "I don't care kung anong nangyari sa'yo! I'm paying for your sister's medical expenses hindi para maghintay sa wala! You have to pay back for everything that I did for her!" panunumbat nito. Medyo napalakas pa nga ang boses nito kaya saglit na napatingin sa'min ang ibang mga tao na kumakain. "I'm sorry. Ito na ang kailangan mo." Agad kong inabot sa kanya ang folder na dala-dala ko. Kita ko kung pa

