"Sino 'yong nandito last time? Jowa mo?!" asik ni Alphonse sa tainga ko.
Ewan ko kung anong nakain nito at excited masyado para sa lovelife ko. Palibhasa wala siya e.
Umirap ako habang kumakain--pinapapak ang masarap na leg ng manok.
Nagpa-deliver kami ng one bucket ng chicken sa RFC. Wala sa aming dalawa ang marunong magluto.
Naalala ko tuloy ang lunchbox na niluto niya para sa akin. Pakiramdam ko namumula na naman ang pisngi ko.
Kasalanan ito ni Ieshia. Feeling jowa e!
"Manliligaw ko, bakit?" tugon ko.
Halos maluwa ko ang kinakain ko nang hampasin ako nang malakas ni bakla sa likod!
"Asa ka pa! Mukhang hindi naman papatol sa 'yo 'yon!" natatawa nitong tukso.
E kung hambalusin ko kaya ito?!
Sa inis ko ay kinurot ko ang u***g niya. Kaagad siyang namilipit. "E ikaw nga 'tong nag-iisip na mag-jowa kami! Baka naman ako ang hindi papatol do'n, 'di ba?" singhal ko.
Inikot ko pa ang u***g niya para solid!
"Oo na! Oo na!"
Naputol ang pagtatalo namin nang may tumunog na phone. Ang aking phone, more specifically.
Binuksan ko iyon at nakitang tumatawag ang isang Atty. Velarde.
'Nagustuhan mo tahong ko?' tanong ng sexy'ng boses sa kabilang linya.
Out of character pero nag-init ang mukha ko sa tinuran niya. Sanay naman ako sa gano'n pero pagdating sa kaniya, iba talaga ang epekto sa akin.
"Gago ka pala e!"
Imbes na ma-offend, narinig ko ang marahan niyang pagtawa. Kung kanina'y nagwawala ang puso ko, ngayon naman ay tila masyado itong bumagal. Nakakakalma sa pandinig ang boses niya. Kung hindi mo siya kilala at narinig mo siya, marahil ay iisipin mong anghel siya.
Kahit pa ang totoo ay demonyita 'yon.
'Bakit ka nagmumura? I was referring to the drunken mussels I cooked for you.'
Ayan kasi, Angeles, green-minded masyado! Ahem!
Nagulat yata si Alphonse sa bigla kong pagbulyaw base sa hindi maipintang mukha niya. Itinaboy ko siya gamit ang kamay. Pumasok siya sa kwarto niya.
"A-ah... oo. Salamat!" At talagang nautal pa a? Hindi naman masyadong halata ang epekto niya sa iyo, ano? "Sabi na nga ba may wine 'yon e. Ang sarap niya," pambawi ko. Pero mas masarap ka, bulong ng isang bahagi ng isip ko. Hindi talaga papatol a?
'Good to hear.'
Pagkatapos no'n ay binalot na kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa amin.
Sa sobrang conscious ko ay naiisip kong baka naririnig niya ang paghinga ko kaya pinilit kong bungkalin ang isip ko para sa sasabihin.
"Ba't ka nga pala napatawag?"
Humiga ako sa sofa para mas maging komportable. Nakatitig ako sa kisame pero lumilipad ang isip ko sa babaeng kausap ko at iniisip kung ano marahil ang ginagawa niya ngayon, o kung na saan siya.
"Miss mo 'ko?" Napa-make face ako sa kalandiang taglay ko.
High school lang ang peg?!
'I wouldn't deny that. I haven't heard from you anymore.'
Napakagat ako sa labi--pinipigilang ngumiti. Maski mag-isa na lang ako rito, may self-esteem pa rin akong dapat pangalagaan!
"Wala naman kasing pag-uusapan," pag-iinarte ko. Naalala ko tuloy ang sinabi kanina ni Al. "Alangan tawagan kita bigla at kamustahin. Jowa lang?"
Tumawa na naman siya. Kulang na lang mangisay ako rito sa salas sa kuryenteng dulot ng boses niya habang tumatawa.
'Would you like that?' Aba gusto rin, sumakay si gaga!
"Utut mo."
'Hindi rin tayo pwede e. Baka mapagkamalan kang baby sister ko dahil ang liit mo.'
"Hayop 'to, nanlait pa."
Natawa na naman siya. Musika sa aking tainga. Maski sinabi ko iyon ay hindi ko napigilang ngumiti.
"Kapag may nagkamali, i-momol kita bigla," dagdag ko. Sigurado ako nakangiti na rin nang tuso si miss fancy pants.
'Gusto ko 'yan,' she replied sexily.
Kulang na lang mag-nosebleed ako sa nagagawa sa akin ng letseng boses na iyan. Her voice is the epitome of eargasm.
'How are you doing? Are you still going through withdrawal?' pag-iiba niya.
Alam ko na kung saan na naman patungo ito.
"Negative, doc," I lied. Nakakaramdam pa rin ako ng PAWS. "O siya. Marami pa kasi akong gagawin. Sa susunod na lang a."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya bago patayin ang tawag.
Nagtatatalon si Alphonse na bumalik ng salas. Parang naiihi.
"E ang yaman naman pala niyang manliligaw mo e!"
Iminudmod niya sa akin ang phone niya. Nandoon ang picture ni Ieshia.
Seryoso ang mukha niya. Nakasuot siya ng itim na pantsuit pero ang hot pa rin niyang tingnan.
Parang kanina lang naglalandian kami nito sa call a.
"'Wag mong rape-in sa utak mo 'yung tao! Basahin mo!" side comment ni Alphonse.
Panira 'tong bakla na 'to.
Kagaya ng ipinipilit niya, binasa ko ang headline.
Top 6 Individual Taxpayer for Taxable Year 2014
Ieshia Velarde
56,594,822
Well, s**t. Hindi ko ma-imagine kung gaano kayaman ang babaeng ito.
"Naku, for sure boto si Tita Chiara dyan," biro niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nakakatawa.
"Speaking of whom..." I trailed off.
Oo nga pala. Pinapupunta niya ako.
Regrettably, bumangon ako para haraping muli ang nag-iisang taong kinatatakutan ko.