Paulit-ulit ang litanya sa isip ko--binabaon ang mga ito sa alaala ko bilang panangga sa mga ibabato ni Chiara.
Thirty minutes na yata ako rito sa sasakyan, sa tapat ng gusali ng AFC.
Sigurado akong alam niya na hindi naman ako gaanong umaatin. Bakit siya magpapatawag bigla ng progress report, hindi ba? Para isampal sa mukha ko kung gaano ako kapalpak.
Binuksan ko ang glove compartment kung saan naglagay ako ng shabu na binili ni Al. Hindi ko naman gagamitin.
Sadyang naco-comfort lang ako kapag malapit. Feeling ko may kakampi ako.
Bubuksan ko sana ang pinto ng sasakyan. Handang-handa na ako bumaba nang may mapansin akong pamilyar na pigura.
Matangkad. Balingkinitan. Mahabang itim na buhok, at ang kulay tsokolateng mga mata na maski malayo ay nagpapahagip ng mga misteryong nagtatago rito.
Si Ieshia... at hindi siya nag-iisa.
Huminto sila ni Monique sa entrada ng AFC, at ang Angeles Jr. na iyan, naging mahinhin bigla?!
Monique tucked her hair behind her ears, slightly smiling and cheeks blushing.
Itong si Ieshia naman, sumasabay rin ng harot! She leaned down to whisper something to Monique.
Masyado namang masaya itong isa at humalakhak pa! Naging bipolar na yata nakakilala lang ng isang Ieshia Velarde.
Nag-init bigla ang ulo ko. Ang aga-aga kasi kung makapaglandian, sa kalsada pa!
Ang sarap pag-untugin!
Higit pa roon, napaisip ako. Bakit sila magkasama?
Kung anu-anong isipin ang tumakbo sa utak ko. Mga teorya, conspiracies.
Wala namang pakialam sa akin noon si Ieshia. Kaya nga ngayon ay nakapagtatakang ayaw na niya akong tantanan.
Not unless may nag-uutos sa kaniyang gawin ito--si Mommy. Si Chiara na walang ibang gusto kung hindi ang makontrol ako at kausap kamakailan lang ang isa pang abogado, si Divina Ferrer.
At alam ni Chiara ang kahinaan ko. Magagandang babae.
Naalala ko ang sinabi ni Ieshia noon.
I protect a lot of really powerful people, Callie.
Tila nagdilim ang paningin ko. Tinraydor nila ako.
Pinaandar ko ang makina ng sasakyan. Kaagad ko itong pinaandar nang mabilis.
Itinabi ko sa sidewalk. Mas lalo ko pang binilisan. Iginilid ko pa na tipong lalampas na sa linya.
Muntik ko nang mahagip ang dalawang mahaharot. Pasalamat sila at iniliko ko pakaliwa.
Napakapit sa takot si Monique sa mga braso ni Ieshia. Ang huli naman ay nanlaki ang mata--pero saglit lang.
Mabilis din siyang naka-recover. At alam kong nakilala niya ang sasakyan ko. Mabuti nga. Bwisit siya. Bwisit silang lahat.
Bago pa sila makalapit at umalma, humarurot na ako paalis.
Ayokong umuwi. Magtatanong lang sa akin si Al kung ano ang nangyari at wala ako sa mood na sagutin ang mga iyon.
Hindi ko alam kung ano ang nag-udyok sa akin na puntahan sina Sarge.
Malamang nakatambay na naman sila sa abandoned pool.
Dumiretso ako roon nang walang atubili.
Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng gate. Blanko akong nakatitig sa nangangalawang nitong metal.
I contemplated on what I'm doing. Alam kong mali ang pagpunta ko rito.
Alam ko kung saan ito mauuwi.
Naghahanap na naman ako ng dahilan para sabihin sa sariling ayos lang kung hihithit ako dahil ginago na naman ako ng mundo.
Palagi na lang ganito. I'm feeding my own addiction, aren't I?
Hindi ko na napigilan ang maiyak. Dito sa gitna ng kawalan, hinayaan ko ang sarili kong maglabas ng sama ng loob.
Baka nga deserve ko kung ano ang mga kagaguhang nangyayari sa akin. Wala naman talaga akong nagawang tama.
Walang kahit anong achievement na maipagmamalaki sa mga tao.
Hindi na nakapagtatakang ayaw akong ituring na anak ng sarili kong nanay. Hindi nakapagtatakang kailangan pa niya akong pabantayan para masigurong hindi na naman ako papalpak.
Syempre... paano nga ba naman magagawang seryosohin ni Ieshia Velarde ang isang kagaya ko?
Pagkatapos ng thirty minutes, pinahid ko ang mukha ko. Siniguro kong hindi mababakas dito kung ano man ang nangyari.
Pagkatapos ay nilabas ko ang phone ko. Isang tao lang ang dapat kong makasama ngayon.
Isang taong makapagpapakalimot sa akin ng mga problema ko dahil aalalahanin ko rin ang mga problema niya.
Tinawagan ko si Wila Carmona.
Napagpasyahan namin na magkita sa Regal Brews. Magta-tatlong buwan na mula nang huling beses kaming nagkita. Tatlong buwan mula nang maghiwalay sila ni Emyrine.
Hindi ko alam kung anong dapat i-expect.
Pagdating ko roon, nakaaninag ako ng pamilyar na likod. Mukhang nagsimula na siyang uminom.
Grabe, hindi man lang ako hinintay.
Tumabi ako sa kaniya at inakbayan siya. "Miss, magkano isang gabi?" pabulong kong biro.
Kunot noo niya akong binalingan. Nang mapagtantong ang ever-so-beautiful friend lang naman pala niya, she did a lopsided smile.
"Basta ba siguraduhin mong bottomless drinks e."
"Abuso a." Umupo ako sa tabi niya at humingi rin ng inumin sa bartender.
Habang naghihintay, nagsimula akong i-profile siya.
Mukha namang hindi pa siya lasing. Nakasuot lang siya ng shirt at jeans. Simpleng tao lang naman talaga si Wila.
I guess I'll also consider her pretty. Heck, more than pretty!
Pinipilahan ito noong high school kami. Yep, simpleng tao.
Unless i-count ang pagiging alcoholic niya. Bakit ko nga ba uli siya inaya rito?
"Anong ganap mo?" tanong niya. Hindi ko pa nauubos ang laman ng baso ko, naka-tatlo na siya.
"Matatawa ka kapag kinwento ko."
Nagtaas siya ng kilay. Bigla akong may naalalang babae. Babaeng may tinunaw na tsokolate para sa mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin.
"Nagpa-rehab ka na?"
Kung kaninang naiisip ko si Ieshia, para akong binitin nang patiwarik; ngayon ay tila nahuhulog ako sa bangin.
Gusto kong tumakbo palayo. Alam niya?
"O ba't namumutla ka? Guilty ka naman masyado sa pagiging s*x addict mo." Pagkatapos ay walang humpay ang tawa niya.
"Kupal ka a." Pinilit ko rin ang sarili kong tumawa. Pagkatapos ay inubos ko na ang alak ko.
"Hindi naman maiiwasan 'yon, Tsong. Alangan itaboy ko ang chicks, sila na nga ang lumalapit."
Nagtaas siya ng shot glass. "Cheers to that."
Mabilis na lumipas ang gabi. In-enjoy ko na lang ang fact na kasama ko ang isa sa matatalik kong kaibigan.
At one point, siguro dala na rin ng kalasingan, panay English na ang salita namin. Siguro dala na rin ng kalasingan. Napag-trip-an na nga rin namin ang bartender. Pati siya isinasali namin sa 'intelekwal' naming pag-uusap.
Saka marunong naman talaga ako ng lenggwaheng 'yon. Hindi na mawawala 'yon sa pagiging isang Angeles.
At dahil naisip ko ang English, naalala ko na naman ang babaeng dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Pesteng Ieshia talaga 'yan. Ni hindi nga magawang magpaliwanag maski sa text man lang.
"'Di ba matalino ka? Random question, bakit pipiliin ng isang tao na tumugtog ng flute?" tanong ko. I really have a bad habit of overthinking either unnecessary or painful things.
"Waz that, mate?" mapang-asar niyang sabi—patuloy pa rin sa ginagawa namin kaninang pagfi-feeling na foreigners kami.
"I said go screw yo' self in the ass, mate!" singhal ko.
Parehas kaming mukhang baliw sa bar at tawa nang tawa. Mabuti na lang at masyadong busy ang mga tao sa kani-kaniyang mundo para mapansin kami.
Napakaliit namin kumpara sa mundong ginagalawan namin—tila mga langaw.
Uminom si Wila ng alak. Pero mukhang nahimasmasan naman siya. Ano pa nga ba, gamot niya 'yan e.
"Ano uli 'yon?" tanong niya. "Flute? Ba't mo naman natanong? Wala kang magawa sa buhay?"
"Basta sagutin mo na lang."
"Aba malay ko. Pero alam mo ba na may state dati sa Germany na Prussia?"
Okay. Nag-e-alien talk na naman siya. Mas okay pa ako sa English e.
"Anong connect?"
"Gustung-gusto ni King Frederick the Great ng Prussia ang pagtugtog ng flute. So in a way, musical instrument siya ng royalty. At mahirap tumugtog no'n a. Dapat malakas lungs mo, saka dapat hindi mabilis mangalay ang braso mo."
Bumungisngis ako nang nakakaloko sa sinabi niya. "Don' cha worry, mate. My arm got plenty of exercise."
"Bastos!"
Muli kaming nagtawanan. Sumasakit na nga ang panga at tiyan ko.
Pero sana ganito na lang palagi. Walang problema. Relax lang.
Walang iniisip na babaeng kayang palambutin ang tuhod mo sa titig pa lang.
My thoughts were disrupted when Wila nudged me with her shoulder. She gestured to a circle of friends a few steps away from us.
Makahulugan siyang ngumiti sa akin. Alam ko na ang naiisip nito, gustong mambabae.
Sinilip ko ang mga babaeng tinutukoy niya. Mukhang mga kolehiyala base sa pananamit nila.
May mga anik-anik na accessories sa leeg at pulsuhan, loose tops at maikling shorts. You'd think it isn't almost midnight.
One of them noticed us. She beamed at us, naniningkit ang mata, saka kumaway na animo'y long lost friend lang.
Binalik ni Wila ang kaway na iyon, tapos ay bumaling siya sa akin. "Lapit tayo?"
The old Callie would probably LOVE to join those girls. Pero iba na ang Callie na ito.
Sa isip-isip ko, ikinukumpara ko sila sa isang babae.
At wala pa sila maski sa hinliliit niya.
"Wala ako sa mood," tugon ko.
"Callie Veron Angeles, tumatanggi sa pepe? May sakit ka ba?"
"Pakyu."
Wila chuckled. Nanahimik siya bigla.
Pakiramdam ko parehas kami ng iniisip sa mga oras na ito. Ang mga babaeng gumugulo sa isip at puso namin.
Pwe! Kung makapag-drama ako, parang umiibig lang a? Nakakadiri.
Alam kong gusto niya akong tanungin tungkol kay Em. Nakikita ko sa mata niya ang pagpipigil na ginagawa niya.
"Sinusubukan ko minsang bawasan ang pag-inom," bigla niyang sabi. "Kaya ko namang huminto e. Ang hindi ko kaya ay iyong hindi ako tatakbo sa alak kapag nilalamon na naman ako ng kamanhidan. Kapag umiinom kasi ako, walang problema, walang lahat."
Nagmumuni lang si Wila. Ang hindi niya alam ay kung gaano ako nakaka-relate sa mga lumalabas sa bibig niya.
Totoo naman ito. At tama rin si Marc. Hindi natatapos ang laban.
Real recovery comes in the days and weeks following, when you're challenged with living sober no matter what life throws at you.
Para akong nasasakal.
Bumuntong hininga ako. "Teka lang a," paalam ko bago magtungo sa banyo.
Dapat ay mag-relax ako pero imposible yata 'yon. Maski sarili kong utak ayaw akong sundin.
Nilabas ko ang shabu sa bulsa ko, at nagpakalulong doon buong gabi.