Kabanata XVI

1251 Words
SIGURADO akong nakailang bote kami ni Wila ng alak. Pero hindi ako nakararamdam ng kalasingan. Buhay na buhay ang diwa ko. Ang bilis ng t***k ng puso ko at lubos-lubos ang aking kasiyahan. Ang tindi ng high ko dulot na rin ng alak. Hindi ako mapakali. Lumabas ako sa bar bitbit ang panibagong bote ng alak. Sumakay ako sa pulang Aston Martin ko. Pinaharurot ko kaagad iyon sa kalsada. "Wooh!" sigaw ko tapos tumungga sa bote. Mas lalo ko pang pinabilis ang andar. Ito ang joie de vivre. The meaning of life itself! La vida es un frenesi! May humawak sa magkabilaan kong hita. Napainom ulit ako nang makitang nasa pagitan ng mga binti ko si Ieshia. May evil smirk sa labi niya. Nananaginip ba 'ko? Bakit parang totoo? Umabot na sa 110 km/h ang bilis ng sasakyan. Well, baby, susulitin ka ni mommy. Binaba ko ang tingin. Nandoon pa rin si Ieshia. Binubuksan niya ang butones ng pantalon ko. Hindi ko maalis sa kaniya ang tingin ko habang binababa niya ang zipper. Lumalalim ang paghinga ko. Hinawakan niya ang garter ng panty ko. Parang umaapoy ang buong katawan ko. Ibinababa niya... hanggang sa... BEEEEEEEP! HINDI ko kaagad naimulat ang mata ko. May masakit na pag-ring sa tainga ko at sa tuwing sinusubukan kong buksan ang mata ko, nasisilaw ako sa ilaw. Hindi ko rin maigalaw ang leeg ko, at parang tuyung-tuyo ang lalamunan ko. I'm basically helpless, at tanging ang kadiliman ang karamay ko. Kumapit ako sa malambot na kinahihigaan ko. Ang tanging makakapitan ko dahil pakiramdam ko ay walang-wala na ako. Hindi ko na napigilan ang luhang gustong tumakas sa mata ko. "Callie?" Ang boses na iyon... Si Ieshia? "Nurse!" Siya nga! Mas lalo pa akong binaha ng katanungan. Na saan ako? Bakit siya nandito? Bakit kami nandito? Hindi ko alam kung nag-black out ulit ako o ano. Ang sunod ko na lang na alam ay nakaupo na ako sa kama. At ngayong gising na nga ako, nakumpirma kong nasa isang hospital room ako. Ang kaagad na bumungad sa akin ay ang doctor. May nurse rin na busy sa pagkuha marahil ng stats ko. Kung anu-ano ang tinatanong nila sa akin tungkol sa kasalukuyan kong lagay, at kung ano ang nararamdaman ko. Wala pa ring sagot sa tanong ko kung bakit ako nandito. Panay lang ang pagsuka at pagkahilo ko. Bagsak na bagsak din ang mood ko at sobrang putla ko. Bad trip. May hitsura pa naman ang nurse. Bagay sa kan'ya ang uniform niya, hapit, coca-cola ang katawan e. Dumating si Emyrine. Nakakunot ang noo niyang lumapit sa akin bago ako suntukin nang malakas sa braso. Tapos ay bigla niya akong hinigit sa isang yakap habang umiiyak sa balikat ko. "H-hoy, anong drama 'yan?" nanghihina kong tanong. "Manahimik ka, Callie. Hindi ako natutuwa sa mga ginagawa mo," tugon niya sabay singhot. Ang dugyot ko na nga sa hitsura ko, sinisipunan pa yata ako nito. Bumuntong hininga ako at niyakap siya pabalik. Tahimik kaming nakapwesto nang ganoon hanggang sa tumahan siya. Kinwento niya sa akin ang nangyari. I was involved in a car accident. May saksi raw na nag-overspeed ako. May alcohol at drugs din sa sistema ko. Swerte raw na buhay pa ako. Kung hindi ang aksidente ang pumatay sa akin, malamang ay alcohol poisoning. "Baka makasuhan ka pa sa mga ginagawa mo. Tiyak malalaman ni Tita 'to, lagot ka na naman." Minasahe ko ang sariling sentido. Tama siya. Hindi naman ako nag-aalala na makulong. Hindi 'yon papayagan ni Chiara. Ang kaso ay kung tutulungan niya ako, hindi pwedeng walang kapalit. Saka ko naalala. "Si Wila?" Bakas ang pagkagulat kay Emyrine sa pagbanggit ko sa ex niya. "Kasama ko siyang uminom kagabi," paglilinaw ko. Nagdilim ang ekspresyon niya. "Siya ba ang nag-impluwensya sa 'yo na mag-drugs? Nag-aadik na rin ba siya ngayon sa drugs?" singhal niya. "God, no, Em! Hindi mo siya pwedeng sisihin sa katangahan ko!" "Bakit, Callie? Gaano na katagal?" Hindi ako nakasagot. Wala naman kasing tamang sagot. Ganoon pa rin ang ending. Malamang ay lalayo na si Em sa akin, kagaya ng kung paano niya iniwan si Wila dahil sa pagiging alcoholic nito. I managed to drive away one of the few people who cares about me. Ano pa bang bago? Nalipat ang atensyon namin nang may kumatok sa pinto. Bumilis ang t***k ng puso ko na para bang may taong inaasahan. Iwinaksi ko ang weird na isiping iyon... lalo pa nang malaman kong si Nadine pala iyon. May dala siyang basket ng prutas; saging, apple, at iba pa. Nakipagbeso siya kay Emyrine tapos ay sa akin naman. "Kamusta na pakiramdam?" tanong ni Nadine. "Ayon, ready'ng ready na lumabas. Nakaka-depress masyado rito." "Sino ba may kasalanan?" pambabara niya. Nakahanap pa ng kakampi si Emyrine. "Naku! Magpapahinga na nga ako, magsilayas na kayo." Bigla tuloy akong nagtaka. Malamang ay nandito si Nadine dahil sinabihan siya ni Em, pero bakit nandito si Emyrine? Sabi niya kanina ay hindi alam ni Mommy ang tungkol dito. Hinayaan ko na lang. Wala talaga akong lakas para mag-isip ngayon. "Grabe," angal ni Nadine. "Para namang hindi mo 'ko na-miss nyan." Nagulat na lang ako nang halikan niya ako sa labi. Smack lang naman pero nakabibigla kasi mahiyain si Nadine. "Ayan, papaalisin mo pa 'ko?" Hindi ko na siya nasagot dahil mula sa periperalya ko ay napansin ko ang isang pigura. Tatlo kaming lumingon sa pintuan. Nakatayo roon si Ieshia. At mukhang hindi siya masaya. In fact, mukhang makapapatay siya ng tao. Ako, specifically. "O, andito pala si Attorney," bati ni Emyrine habang papalapit sa amin si Ieshia. Medyo napagdudugtong ko na ang mga nangyari. Mukhang si Ieshia ang nag-inform sa kaniya sa nangyari. Pero paano niya nalaman? Hindi siya pinansin ni Ieshia. Lumapit lang siya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang sadya niyang hinarangan si Nadine mula sa akin. "You should have more rest. Huwag ka nang mag-isip ng kahit ano. Ako nang bahala," she assured me. Nakatayo siya sa tabi ng kama ko. Malayo pero malapit. Malapit enough para mapansin ko ang pagiging tense niya, and how her knuckles are turning white as she gripped the bed sheets. "Excuse me, Miss?" sabad ni Nadine. Kinalabit pa niya si Ieshia. "Friends kami ni Callie. Ikaw ba?" Tama ba ako o nag-iimagine lang na tinatarayan ni Nadine si Ieshia? Naaksidente lang ako ang dami nang nagbago. Which brings me back to Ieshia. She was looking down on Nadine, no, she was glaring at her. "I'm the reason she's not in jail right now. I'm the reason her mother isn't locking her up in their big tower. Ikaw, sino ka?" Napalunok ako roon sa sinabi ni Ieshia. Punung-puno ng pagkamuhi ang boses niya. Ibang-iba siya roon sa babaeng tumulong sa akin noong nasa withdrawal stage ako. "Woah. Teka," singit ni Emyrine. Tahimik naman si Nadine. Natauhan. Matagal kaming nagsama pero hindi naman ako nag-open up sa kaniya. Hindi sa paraang ginawa ko kay Ieshia. Bigla ko tuloy natandaan--nagtiwala ako. Tapos nalaman ko ang totoong pagkatao niya. Na binabayaran siya ni Chiara. "Emyrine, sumasakit ang ulo ko," sabi ko. Totoo naman. Nakakarindi naman talaga na dito pa sila magtatalo. Kung gusto nila, sa labas na lang para matulog na lang ako. "Magpapahinga muna si Callie. Nads, Attorney." Tumango si Emyrine sa pinto, senyal na ihahatid na sila roon. Ngumiti nang malungkot si Nadine, tapos bumaling siya sa akin. "Pagaling ka. Kailangan kong bumawi sa 'yo." Hindi ko napigilan ang sarili ko na ngumiti pabalik. Kinindatan ko siya bilang tugon. Natawa siya bago lumabas ng pinto. Bumalik sa akin ang kahapon. Hindi ko maikakailang naging masaya naman ako kasama siya. Ang kaso ay sinira ko ang pagsasamang iyon. Sa gitna ng pagmumuni ko, naramdaman ko ang masidhing tingin ng pares ng tsokolateng mata. Nakatayo sa tabi ng pinto si Ieshia, kasama si Emyrine na hawak ang doorknob para sa kaniya. "Hindi ko alam kung anong nangyari, but you really scared me, Callie. Don't do that again." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang umalis ng silid. "Grabe." Sinara ni Emyrine ang pinto at nakangiting umiiling na lumapit sa akin. "Hindi ko ine-expect na gano'n ka katindi para pag-agawan ng dalawang 'yon!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD