She was fire. I was mere timbers.
And yet, I yearned for her heat.
That's why I let go.
"Teka, teka, teka."
Labag sa loob na itinulak ko palayo si Ieshia. Kanina pa kami nagme-make out dito sa loob ng museleo.
Bastos ako pero hindi ganoon ka-bastos para gumawa ng milagro sa pahingahan ng mga patay.
Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Hindi pa rin bumibitiw ang kaliwang kamay niya sa pagkakahawak sa boobs ko na nilalamas niya pa kanina.
Ako na ang nagtanggal.
"What?" singhal niya, parang batang pinagdamutan ng candy.
"What-what ka dyan! Kabahan ka nga. Baka mamaya habang umuungol ka sa sarap sabayan ka ng kung sino mang kakilala mo ang nakalibing dyan!"
Speaking of, bakit nga ba nandito si Ieshia?
Babasahin ko na ang inskripsyon nang tumayo si Ieshia. Naharangan ang lapida.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko at bigla akong hinila palabas doon.
"Sandali naman kasi!" angal ko.
"Let's get you home. You're so wet. I don't want you to get sick." Umakbay siya sa akin. Ang isa naman niyang kamay nakahawak sa braso ko.
"Sinong may kasalanan?"
She smirked. Mula sa pwesto ko, pansin ko ang mahahaba niyang pilik-mata. Ang tangos din ng ilong niya.
Using her hand that was draped around my shoulder, she gently combed my hair with her fingers.
"Stop those dirty thoughts about me then," pagsakay niya sa double innuendo ko.
"Piliin mo rin kasi mga salita mo. Parang gusto mo na 'kong iuwi e," mabilis kong tugon.
"Gusto ko nga. With you, I want more than the surface." Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko. "I want much, much more."
Hindi na ako nakakibo.
E 'di fine, panalo na siya. Sa kaniya na ang last say. Wala e, kinilig na ako.
Nasa taxi na kami nang maalala ko ang namumuong tanong sa isip ko kanina pa, bago ako ma-distract ng kalandian ni Ieshia.
Bakit siya nandito? Sino ang dinalaw niya?
"Punyeta," asik ko sa sarili.
Bumaling sa akin si Ieshia. "You okay?"
"Nakakainis ka."
Ngumuso siya. Na-miss ko bigla ang labi niya. Gusto ko uling halikan.
Kaso paninindigan ko muna ang paggagalit-galitan. Humalukipkip ako sabay irap.
"Are you going to tell me why you're mad?" sabi niya.
"Sasabihin mo ba sa 'kin kung sino 'yong dinalaw natin?" I deflected.
Bumuntong hininga siya, tapos tumingin na uli sa bintana sa side niya. Balak yata nitong dedmahin ako.
"Ieshia Velarde. Mayaman. Abogado. May condo unit sa Makati at Aston Martin na ewan ko kung bakit hindi niya dala ngayon. Mahilig sa junk food—"
"Junk food?" Finally, nag-decide siyang pansinin uli ako. Napaka-walang kwenta pa ng napuna niya.
"Oo. Napansin ko no'ng namili kang grocery," paliwanag ko.
"Interesting." Ngumisi siya.
Kita mo 'to, pati reaksyon niya sa letseng junk food, mysterious pa rin!
Akala naman niya tatalab sa akin iyan. Ibinalik ko sa topic ang usapan.
"Hindi 'yon ang point. Ang sa akin lang, wala akong alam sa 'yo. Samantalang ikaw, alam ang lahat sa akin. Maski kaluluwa ko, kilala mo na."
"That's not true. I don't know your vital statistics. Aalamin ko pa lang mamaya."
"Umayos ka, Ieshia. Seryoso ako," pahayag ko. Nakaharap ang upper body ko sa kaniya. "Sabihin mo sa 'kin kung sino ka."
Umusog din siya para humarap sa akin. Mukhang seryoso rin siya. "If I let you peek into who I am, you're guaranteed to run away from me. I can't afford to lose you."
Ngumiti siya. Her sad smile that she did back in La Loma.
Parang piniga ng ngiting iyon ang puso ko.
Napatanong tuloy ako sa sarili ko.
Gusto ko ba talagang malaman? Handa na ba akong gumising mula sa pantasyang binuo naming dalawa?
Gusto ko, pero hindi kailangan. Dahil kapag inamin kong nesesidad ang harapin namin ang demonyo ng isa't isa, para ko na rin sinabing may mas ilalalim pa ang kung anong mayroon sa pagitan namin.
At wala lang naman ito, hindi ba? Landian lang. Kailangan ko lang siya dahil siya ang makatutulong sa akin na puksain ang kahinaan ko.
Kung hindi ko siya hinanap, baka kung saan na ako napadpad ngayon.
"Baba na 'ko rito. Uuwi na 'ko," imporma ko.
Sumilip ang driver sa salamin, kinukumpirma ang sinabi ko.
"Callie," mariing sabi ni Ieshia.
"Bakit?"
"Pag-aawayan talaga natin 'to?"
"Hindi naman tayo nag-aaway. Nag-make out lang tayo, pagbabawalan mo na ako umuwi? Pagod ako. Isa pa, hinihintay ako ni Em."
Naglolokohan na kami. Halata namang nauubos na ang pasensya namin sa isa't isa.
Ang labo kasi niya. Given nang gusto niya ako. Kita sa actions niya at iyon din ang lumalabas sa bibig niya. Pero ayaw niya akong papasukin. Saan na lang ako lulugar?
Minasahe niya ang gilid ng noo niya.
"Fine. Kuya, doon po sa—"
"Okay na. Bababa na lang ako," sabad ko.
"Ano ba, Callie? Sabi mo pagod ka, tapos ayaw mong ihatid kita. Akala ko hindi tayo nag-aaway?"
"Pwede ba, Ieshia, lubayan mo muna 'ko!" singhal ko.
Nagulat kami parehas. Hindi ko naman sinasadya e. Kaso nakakainis na minsan feeling talaga niya lahat madadaan niya sa sarcasm niya.
Muli ay bumuntong hininga si Ieshia.
"I'm sorry." Nanguna siyang nagsalita. "Wala lang talaga ako sa mood ngayon. Kung... kung anong gusto mo, 'yon ang masusunod."
She looked so guilty... and weary. Nakonsensya tuloy ako.
Pumarada ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nakaramdam na sa wakas ang driver.
"Sige, dito na 'ko," paalam ko.
Hindi siya umimik. Nakatingin ulit siya sa bintana habang nakakalumbaba roon.
Mukha siyang kalmado pero batid ko ang pag-tiim ng kaniyang bagang at ang bagyo sa likod ng mga mata niya.
"Maglagay na lang tayo ng boundaries, okay? Pero sa susunod na natin pag-usapan. Masakit na talaga ulo ko." I kissed her cheek. "Bye."
Para naman malinaw sa amin pareha kung ano ang appropriate. Nawawala ako sa mood dahil ayaw niyang maging open. Pero daig pa ang mag-asawa sa pagiging selosa.
Binuksan ko ang pinto para lumabas. Biglang may humawak ng pulsuhan ko at hinila ako pabalik sa loob.
Soft, sweet lips crashed into mine. Despite the harsh words that left our mouths earlier, Ieshia kissed me with so much passion that any hesitation was thrown out the window. Hindi ko na namalayang ibinabalik ko na rin ang mapang-angkin niyang halik.
She was gripping my waist and my fingers were tangled in her hair.
Hinayaan naming ang mga labi namin ang mangusap sa isa't isa. Hers claimed mine possessively—sucking and stroking like a frenzied brush on a canvas.
Nothing else matters. Siya lang at ako. Ako at siya.
Hinalikan ko siya na tila nakasalalay roon ang aking paghinga. Hinalikan nang may pangangailangan.
"I'll see you tomorrow, Callie," she groaned against my lips, before pulling away.
Wala nang halikang nagaganap pero parang naka-glue pa rin ang mga katawan namin sa isa't isa.
Oo nga pala. Nagpaalam na ako.
"Tingnan natin, Attorney."
Regrettably, I pulled away.