bc

An Inconvenient Attachment

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
independent
brave
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Jillian Medrano is a fresh graduate from the province, kung hindi experience ang hinahanap sa kanya, ang panlabas na itsura naman niya ang pinapabago sa kanya. Oo na, losyang akong manamit at isa pa ang mahaba kong buhok ang isa pa nilang pinupuna. 

 

Ngunit tila naging hulog ng langit nang makilala niya si Samantha, ang kapatid ng isang CEO na kasalukuyang naghahanap ng magiging secretary ng kapatid. Agad namang nagpresinta ang dalaga. At sa ganoon lamang ay nagkaroon na agad siya ng trabaho na hindi kinukutya ang panlabas niyang katangian. 

 

When she saw Sandro, the CEO of the company, she knew that her heart skipped a beat when their eyes met. Tahimik at walang nakakaalam sa palihim niyang pagkagusto sa kanyang boss nang biglang isang umaga, nagising nalang siya na katabi niya ito at walang saplot. 

 

Lalo pang gumulo ang buhay niya nang malaman na siya ay nagdadalang-tao sa anak nito. She did what women tend to do when they are panicking and don't know what to do; she run away. 

 

But after Sandro knew that she was pregnant, he did everything to bring her back right in front of his eyes. 

 

Will he be successful in finding her? Or will she do everything just to not be found?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"OH ano nang balak mo Jillian, ngayon na nakagraduate kana sa college?" tanong ng aking tiyahin na si Tita Analou. Umuwi siya dito kasama ng pinsan kong si Anne. At nasaktuhan naman na graduation day ko pa. "Hindi ko pa po alam Tita eh, parang mas gusto ko pong dito nalang din sa atin maghanap ng trabaho," sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain ng handa kong pansit. "Ay sayang naman. Nagtapos ka ng magna c*m laude tapos dito mo lang din balak magtrabaho? Sayang naman ang inaral mo," dagdag pa nito ngunit pinagkibit-balikat ko nalang. Maganda naman dito sa amin sa Ilocos, may ilang opisina ng lokal ng gobyerno na balak ko sanang pag-applyan. Iniisip ko na ngang magpasa ng resume sa susunod na linggo. "Hayaan mo na muna magpahinga kahit kaunti ang anak kong si Jillian, Analou. Hindi naman kami nagmamadali na pagtrabahuhin siya. Maayos naman ang kinikita ng palayan," agad akong napangiti nang biglang sumulpot ang aking ama. Kanina ko pa kasi siya hindi nakikita, marahil abala lang sa labas dahil sa dami ng kabarangay namin na nagpunta dito sa bahay para kumain at makipagcelebrate. "Hindi naman sa ganoon kuya, ang sa akin lang, nagpakahirap lang din naman si Jillian sa pag-aaral sa kolehiyo, eh di mas maigi nang sa Maynila siya maghanap ng trabaho. Malaki pa ang kikitain niya." Napaisip ako saglit sa sinabi ni Tita Analou, maganda nga naman at siguradong maraming trabaho ang naghihintay sa akin sa lungsod pero ang gusto ko lang naman makatulong kanila Papa. Hindi naman kami mahirap na mahirap. May bukid kaming pinagtataniman na nagbibigay ng magandang ani kaya naman hindi kami gaanong naghihirap. "Ayaw ko naman na mawalay sa amin ang panganay ko. At sigurado naman ako na magkakaroon siya ng trabaho dito. Wala naman kaming ibang pinaggagastusan kaya okay lang din sa akin kahit na dito nalang siya magtrabaho. Ang mahalaga, masaya sya sa anumang trabahong kukunin niya," saad ni Papa na kinangiti ko ulit. Nagpaalam rin ito na babalik muna sa labas para mag-asikaso muli sa iba pa naming kapitbahay. Maswerte ako na ganoon ang mindset ni Papa. Hindi siya katulad ng ibang magulang na namimilit ng anak sa kung ano ba dapat o saan ang kukunin na trabaho. Napalingon ako sa paligid at saktong kalalabas lamang ng pinsan kong si Anne mula sa aming banyo. Agad ko siyang nginitian at inaya na maupo sa aking tabi. "Kamusta kana Anne? Ang ganda-ganda mo talaga. Parang kailan lang naghahabulan pa tayo dito sa harap ng bahay namin 'no?" tumango lamang ito at isang tipid na ngiti ang isinagot. Para bang nahihiya ito at iniiwas ang tingin sa kanyang ina na si Tita Analou. "Hay naku Jillian. Iyang pinsan mo. Naturingang maganda, nagpabuntis naman ng maaga! Kaya ayan! Balak ko sanang iwan na muna dito hanggang sa magtanda," mabilis kong nilingon si Anne na ngayon ay nagpupunas na ng mga luha niya sa pisngi. Marahil napahiya at nasaktan sa sinabi ni Tita Analou. Agad ko itong niyakap at pinatahan. Si Anne ang pinakamalapit kong pinsan at tinuturing na best friend. Halos magkasing-edad lang kami. At ngayong nalaman ko na buntis ito, masaya man ay may lungkot pa rin akong nararamdaman lalo na't base sa pananalita ni Tita Analou, hindi siya masaya na nagbubuntis ngayon ang kanyang anak. "Iiwan niyo na po muna si Anne dito sa amin?" paninigurado ko. Tumango ng ilang ulit si Tita Analou bago nagsalita. "Oo Jillian, hangga't hindi niya sinasabi sa akin kung sino talagang ama ng pinagbubuntis niya, hindi ko 'yan pababalikin ng Maynila kahit hanggang mabulok pa siya rito." "Ma tama na. Nakakahiya na," saad ni Anne habang humihikbi pa rin. Ako tuloy ang naaawa sa kanya. Hindi pa naman maganda sa buntis ang maging emosyonal. "Ewan ko sayo. Napakaarte mo. Hindi ka man lang gumaya sa pinsan mo na hindi lumandi. Oh ayan kita mo na, nakapagtapos na si Jillian. Eh ikaw? Wala! Nagpabuntis ka pa kung kaninong poncio pilato!" singhal ni Tita Analou at umalis na ng aming sala. Kami nalang ni Anne ang naiwan dito kasama ang iilan na bata na naglalaro sa isang tabi. "Huwag mo nang masyadong isipin si Tita Analou, Anne. Siguro masakit lang para sa kanya na malamang buntis ka nang hindi ka pa tapos sa college-" "Alam ko naman 'yon Jillian eh, pero bakit kailangan niya pang ulit sabihin ang mga 'yon sa harap mo. Nakakahiya tuloy," saad ng pinsan ko habang sumisinghot-singhot. Tinatapik-tapik ko nalang ang kanyang likod para kahit papaano ay kumalma ito at tumahan. "Hayaan mo, matatanggap din 'yan ni Tita. Ano't ano pa eh magiging unang apo nila 'yan. At unang pamangkin ko din!" wika ko at pilit na pinasigla ang boses. Napangiti naman ako nang makitang kahit papaano ay ngumiti rin si Anne. "Salamat Jillian ha. Lagi mo 'kong pinapasaya. Ikaw lagi ang kakampi ko kahit na alam natin pareho na may mali naman talaga akong nagawa-" "Ang ganda mo naman kasi masyado!" singit ko ng pagbibiro para kahit papaano ay matawa ito. Hindi naman ako nabigo dahil tumawa nga ito. "Eh bakit ikaw, maganda ka din naman ah. Pero nakapagtapos ka pa din ng college," hindi ko alam kung binibiro lang din ako ngayon ni Anne dahil sa kanyang sinabi. Anong sinasabi niyang maganda eh wala ngang ni isang nanligaw sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa ayos ko na masyado daw losyang at makaluma o dahil hindi lang talaga ako gustuhing tao. "Ano ka ba naman Anne, ni isa nga walang nanligaw sa akin eh. At saka n'ong prom noon sa high school, sapilitan pa nga sa ibang lalaki na isayaw ako eh," saad ko sabay tawa. Medyo nasaktan din ako sa sinabi ko sa sarili. Pero totoo naman 'yon. Parang ayaw pa nga ng iba kong kaklase na isayaw ako kung hindi lang sila pinagsabihan ng ibang teachers. "Hindi lang talaga nila nakikita ang tunay mong ganda Jillian. Paano ba naman kasi! Tinatago mo dyan sa makapal mong salamin at dyan sa mahaba mong buhok. Nagbangs ka pa na lalo lang nagtago ng kalahati ng mukha mo," napangiti lang ako sa sinabi ni Anne. Hindi ko magagawang magalit sa kanya dahil lahat ng sinabi niya ay totoo. Nasanay na kasi akong ganito ang ayos. Parang isang malaking kababalaghan pag bigla akong mag-iiba ng estilo. Okay na ako na hindi tinatali ang hanggang baywang kong buhok. Okay na rin ako kahit na laging mahahabang damit at palda ang suot-suot ko, mas kumportable kasi ako doon. "Hayaan mo na nga 'yon. Wag mo na masyadong isipin 'yong mga ganoong bagay. Ikaw naman ang magkwento, siguro ang saya-saya mo doon sa Maynila!" Akmang sasagot na sana si Anne nang may marinig kaming sigaw. Sigaw ni Tita Analou. At pangalan ng aking ina ang isinisigaw nito. Agad kaming napabalikwas ni Anne sa pagkakaupo at dali-daling tumakbo papunta sa pinto ng bahay namin. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita si mama na nakahandusay at pilit na ginigising ni Tita Analou. Naiiyak akong lumapit sa kinahihigaan ni mama at tumulong na rin sa paggising kay mama ngunit hindi siya nagising. "Pa nasaan ka pa! Pa si mama! Paaaa!" iyak na ako nang iyak. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dulot ng luha na bumabanda sa aking salamin. Agad akong gumilid nang makitang tumatakbo si papa at mabilis na binuhat si mama. "Pa anong nangyari kay mama, Pa..." tanong ko at hindi pa rin natitigil ang paghagulgol. "Huwag kana umiyak Jillian, anak. Magiging okay ang mama mo. Pumasok kana muna sa bahay at bantayan ang mga kapatid mo. Hintayin mo lang kami ha," saad ni Papa na may halong panginginig ang boses. Wala na akong nagawa nang makitang mabilis na isinakay si mama sa isang tricycle at umandar na ito palayo. "Jillian, halika na muna sa loob. Huwag kanang umiyak dahil lalo lang hindi titigil ang mga kapatid mo sa pag-iyak," tango lang ang nagawa ko sa sinabi ni Tita Analou. Nauna na itong pumasok at ilang sandali lang bago ko napagdesisyunan na pumasok na din. Habang naglalakad ay si mama lang ang nasa isip ko. Nawa'y maging maayos siya. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko kakayanin kung sakaling may mangyayaring masama sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ex-wife

read
232.4K
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.9K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

Hate You But I love You

read
63.2K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook