Teaser:
Ang pagkalayo sa knayang mga magulang at tiniis niya upang magkaroon siya ng pera.Lingid sa kanyang kaalaman na ang kanyang pinagtratrabahuan ay may lihim na tinatakpan.
Amo
Si Margaret ay naninilbihan bilang isang katulong sa Manila.
Sa Cebu talaga siya nakatira ngunit kinailangan niyang umalis dito upang mamasukan bilang katulong sa dalawang matatandang milyonaryo na wala pang mga anak.
Masakit man para sa kaniya ang malayo sa kanyang mga magulang ngunit wala siyang magagawa sapagkar kailangan niyang magkapera.
Iniisip niya na lang na ang perang kikitain niya ay makatutulong na rin upang makabili siya ng gamot para sa kanyang inang may sakit.
Magaan naman ang pakiramdam niya sa kanyang mga amo at hindi din naman ito mga masusungit na tao.
Sa katunayan nga ay binibilhan pa siya nito ng mga damit at kung minsan ay pinapakain sa mga mamahaling restaurant.
Isa lang talaga ang ayaw na ayaw niya sa mga ito, at iyon ay ang pagsasalita nito ng mga lenggwaheng hindi niya maintindihan.
Maaaring ang iba sa inyo ay mag aakalang hindi niya lang ito maintindihan dahil wala siyang alam sa iba't ibang lenggwahe ng mundo ngunit hindi ito ang dahilan.
Minsan na rin siyang pinagsabihan ng mga kapitbahay nila na mag iingat sa kanyang mga amo sapagkat halos lahat daw ng mga nagiging katulong nito ay biglaan na lang nawawala.
Kung tutuusin siya na nga ang ika- dalawang daang katulong ng mga ito.
Tinatawanan niya lang ang mga sinasabi ng mga ito dahil hindi naman siya naniniwala ngunit nagbago ang lahat ng mga ito simula nang marinig niyang nagsalita ito ng ibang lenggwahe na wari niya ay latin.
Nag-aalay din ito ng mga dugo ng hayop na nakita niya mismo.
Ngayong gabi ay bakasyon niya ngunit balak niya na talagang huwag bumalik dito.Hindi na niya kinakaya ang mga nakikita niya.
Ayaw niya na itong tiisin.
Nagmadali siyang mag empake ng kanyang mga gamit at lumabas na.
Tinawag siya ng mga ito upang kumain muna bago umalis.Gusto niya sanang tanggihan ang mga ito ngunit naisip niya na baka siya ay pagdudahan ng mga it kaya't wala siyang nagawa kung hindi sabayan ito sa pagkain.
Nagkunwari na lamang siyang kumakain at iniluluwa ito sa tuwing nakatalikod sila.
Natapos siyang kumain at nagpaalam na sa kanila.Mababakas sa mga mukha ng kanyang mga amo ang pagtataka sapagkat mukhang walang nangyayari sa kanya.
Nagmadali siyang lumabas ng gate ng mga amo at tinignan niya pa ang mga ito bago tuluyang umalis.
Nagulat siya sa kanyang nasilayan,ang mga ito ay kumakaway sa kanila habang nakangiti ng nakakatakot at nanlilisik ang mga mata.
Dali-dali siyang sumakay ng sasakyan at hindi na nilingon pa ang bahay na kanyang pinagtratrabahuan.