Chapter 34: (Saica's POV) "Ano ba talaga ang ginawa mo?" mahinang tanong ni Muni habang nakasilip siya sa butas ng bakal na pinto. Halata ang kaba sa kaniyang mukha. "Dalawang araw nang hindi pumapasok si Rexton. Wala akong balita dahil nandito lang naman ako nagbabantay sa 'yo." Nagkibit-balikat lang ako habang nakahiga sa kama. Nakatunganga lang ako sa kisame habang iniisip ko ang mga anak ko. "Dela Cruz naman!" Umalingawngaw ang malakas boses niya sa buong silid. Napangisi ako. Parang demonyo pala ang isang 'to kapag sumisigaw. Nilingon ko siya. "Fine. Anong gusto mong malaman?" Nagtagpo ang mga mata namin. Halatadong kating-kati na siyang magtanong. "Nasaan si Dela Vega? Pinatay mo?" Umiling ako. "Nah. Magagalit sa 'kin ang mga anak ko 'pag ginawa ko 'yon. Kung wala akong anak,

