Chapter 35: (Saica's POV) Tahimik na nakatitig lamang ako sa kawalan. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Tsk. Wala rin naman akong ganang mag-isip kaya keri na. Putangina, manaksak ka ba naman kasi ng ballpen sa mata, Saica! At ngayon, tuluyan na talaga akong hinatulan ng korte—ng kamatayan. Marami ang nagsaya dahil sa naging desisyon ng mga gago. Kamatayan ang magiging hatol sa akin. Baka ilang araw na lang ay baka mawala na ako. Ayokong mamatay. Pero nandito na ito. Ano pang magagawa ko? Nice. Namalayan kong biglang bumukas ang pinto kaya naman napabalikwas ako ng bangon. Naka-kadena ang isang paa ko sa isang paa ng kama kaya medyo limitado ang mga kilos ko. Pumasok ang isang babae. Mukhang doktor din ito. Mas bata sa akin ang isang 'to. Mahaba ang straight nitong buhok. Hangg

