Chapter 32: (Saica's POV) Kagat-labing iniabot ko ang aking pulso sa lalaking pulis na may nakatahing Castro sa bandang kanan ng kaniyang uniporme. Pinosasan niya ako saka walang awang hinila ako patayo mula sa pagkakasalampak ko sa kama. Marami silang mga pulis dito. Nakatutok sa 'kin ang mga b***l nila. Tanginang 'yan. Hindi naman ako tatakas! "Bakit ba nakatutok sa akin 'yang mga b***l niyo?" iritableng tanong ko saka tinitigan sila isa-isa. "Tatakas ba ako, ha? Tatakas ba ako?" "Lakad na, Dela Cruz!" sigaw sa akin no'ng Castro na mukhang maligno. Tinulak niya ako sa likod kaya sapilitang napalakad ako patungo sa pinto. Putsa. Muntikan na akong masubsob! "Pre, easy lang. 'Wag mong sasaktan 'yang babae," biglang sabat ni Muni na bessiwaps yata ni Rexton. "Sa dami ng napatay niyan,

