Chapter 31: (Saica's POV) Tahimik lamang ako habang nakaupo ako sa isang kama. Nasa loob ako ng isang silid na walang ibang laman kundi kama at lamesa. Maliit lang ang bintana at bakal din ang pintuan. Ang mga gago, talagang walang balak akong patakasin. Pang-ilang araw ko na nga ba nandito ako sa loob ng silid na 'to? Dalawa? Tatlo? Ay, ewan. Hindi ko rin alam kung nasaan ako. Kasi no'ng pinasok nila 'yong opisina ni ma'am Alissa, pinaputukan ako ng b***l ng isang pulis at saka na ako nawalan ng malay. Nakakapagtakha ngang hindi nila ako pinatay. Bakit nila ako binuhay? Wew. Humiga ako sa kama at tumitig sa puting kisame. Papadilim na sa labas kaya wala nang liwanag na pumapasok dito sa loob. I put a spell on you Because you're mine Napatigil ako nang makarinig ako ng mahinang tu

